Pangiti ngiting naglakad si Richard patungong office niya.Napansin naman ito ng kanyang mga impleyado.
"Anyare dun?"
"Baka nakakain ng lason."
"Hindi, baka nagka syota na!" Samir said.
Natigilan naman ang lahat sa sinabi niya.
"At naisingit mo pa talaga yun huh?"
"Pero ha, for the record. Sa pang apat na taon ko na dito... once in a blue moon ko lang talaga nakikita si boss na ngumiti."
At muling bumukas ang pinto mula sa kanyang opisina.
"Samir? Pasok ka muna dito!"
"Ayan na Sam! Puntahan mo na. Dali.an mo!"
"Ito na nga oh? Papasok na!"
He closed the door immediately.
"Pokerman! Ang saya saya ata natin ngayon ah! Ibang iba ang aura mo ngayon."
"Pokerman mo mukha mo!"
"So bakit nga? Anong meron?"
"Hulaan mo?!" Pangiti ngiting sabi ni Rj sa kaibigan.
"Hmmmmm, hindi naman ganyan ang mga ngiti mo kung trabaho ag pinag uusapan eh o di kaya mga pamangkin mo. Malamang, Lablaaayb yan noh?"
Rj laughed.
"So lovelife mo nga?"
He grinned.
"So totoo nga! Ano? Magchika ka naman Pokerman!" Sam settled himself in the couch.
"Wow? Para ka namang babae. Chismosa!"
"Shataaap! Ano ba? Magsalita kana."
He shared the whole thing about Maine. Mula nung unang pagkikita nila, away sa jeepney, sa online interview nila at kung paano sila nagkita.
Hindi magkamayaw ang tawa ni Sam sa mga sinabi ni Rj.
"Hahahaha So yun lang?" He quickly smirked.
"Oo Sam."
"Gago? Yun na yun? Kayo na agad?"
"Eh sabi niya sa pamilya ko girlfriend ko siya eh. Pwes, dapat panindigan niya yun."
"Huy! Huy! Ano ka Pokerman High school? Jusko! Wag ganyan oi. Ang bilis huh. Tsaka, pinagtripan ka lang uy! Wag kang assuming!"
"Alam ko naman yon Sam. Hindi kaya ako bobo gaya mo!"
"Magdahandahan ka sa pananalita mo Richard ha!"
He chuckled.
"Tawa tawa ang buang oh? Ang immature naman ng love life." He rolled his eyes towards him.
"Inggit ka lang Samir!"
"Huy ako? Maiinggit sa pagkakaroon mo instant girlfriend? No way! Gago. May pagka old school din to oi! Chivalry is not dead para sa akin."
Natahimik naman si Rj.
"Don't worry Sam. Ipapakilala ko lang siya sa pamilya ko kahit mga limang beses lang. Okay na yun! Pwede ko na siyang bitawan pagkatapos nun. Gusto ko lang makita pamilya ko na masaya dahil nagka love life ako." He said seriously.
"Alam mo Richard Faulkerson Jr.? Pag isipan mo yang pinagsasasabi mo. Hindi gaya sa mga pelikula ang mga ganyang pangyayari. Kadalasan hindi nagtatapos sa happy ending yan."
"Whatever! As long as mapapaikot ko pa siya sa palad ko okay lang!"
"Pinapaikot mo sa palad mo yung tao? How could you!? Alam mo Rj, tambak tambak na yang mga kasalanan mo baka magising ka na lang na nasa imyerno kana."
"Grabi ka naman sa akin! Nagsalita ang walang kasalanan!" He smirked.
"Arte nito! Hmmm pero nga... Seryoso, papanindigan mo tong katangahan mo?" Sam asked him directly.
"Sam, kung nakita mo lang kung gaano kasaya ang pamilya ko nung nabasa nila ang reply ng Maine Mendoza na yun... Para silang mga 5 years old na mga bata na nagtatalonan at nagsisigawan sa putikan. Ang saya saya nila tignan. As in. At alam mo naman kung gaano sila ka importante sa akin diba? Kaya kong ibuwis ang buhay ko para sa kanilang lahat Sam. And isa pa, ang tagal din nilang hinintay to. Alam kong nababahala talaga sila sa akin kahit tinatago pa nila... Dahil puro trabaho lang inaatupag ko tapos wala pang nag aalaga sa akin."
"Naks! Seryoso tayo ah! Well, sige. Susuportahan kita diyan sa walang kwentang desisyon mo! Pero pag ikaw nahulog diyan sa Mendoza ba yan? At na friendzone? Nako!!! Bahala kana sa buhay mo!"
"Kaibigan ba talaga kita?" Rj asked sarcastically.
"Pag iisipan ko muna."
"Okay, pag iisipan ko muna din ang promotion mo!"
"Aaay, nako Rj! Oo naman. Kaibagan mo ako, magkapatid pa nga eh. Kambal sa ka pogi.an!"
"Kaibigan at kapatid lang! Wag ka nang makisali sa ka pogi.an ko."
"Fine, fine."
"Lumayas ka na nga dito! Magtrabaho kana."
"Okay! Bye Mr. pokerman na may pang Kindergarten na lablaaayp!"
"Siraulo!"
•••
Yoooow! Anong klaseng Rj meron tayo dito? HahahahaKmusta naman so far ang storya natin? ;) i hope nag i.enjoy pa din kayo!
TGIF! GOD BLESS US ALL.
BINABASA MO ANG
Amor Inesperado (On Edit for 📖)
FanfictionWhen love strikes, it really strikes hard!