Chapter 1

482 7 0
                                    


Chapter One-First day of school

Maiosh's POV (Ma-yosh)

*TOK*TOK*TOK*

Nagising ako dahil sa katok pero hindi pa rin ako bumabangon. Inaantok pa kasi ako.

"Anak, bumangon ka na dyan!" sigaw ng nasa labas pero hindi pa rin ako bumangon.

"Anak, you're going to be late na 'pag hindi ka pa bumangon diyan!" sigaw ulit ni mama na biglang nagpabangon sa akin. Nakalimutan kong ngayon pala ang unang araw ng pasukan, ang pinakaayaw ko sa lahat. Kapag alam nating may pasok, nayayamot tayong bumangon, pero 'pag wala, napakasigla nating gumising.

"Opo!" Bumangon na ako at pumunta sa banyo para maligo, magbihis, at lumabas na nang kwarto. Pumunta na ako sa kusina at nadatnan ko sila mama at Meian (Mey-yan) na nakahanda na.

"Good morning!" bati ko sa kanila na karaniwan ko ng ginagawa. Binati rin ako ni mama pero si Meian dedma lang.

Ano na naman ba ang pinagkakaabalahan nito?

"Anak kain ka na, kumuha ka na ng plato mo." Sinunod ko naman yung sinabi ni mama at nagsimula ng kumain. Napatingin naman ako kay Meian na hindi pa ginagalaw yung pagkain niya.

"Hoy! Hindi ka pa ba kakain?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya.

"Oo na," tugon nito na animong bagot na bagot na nasa cellphone lamang ang atensyon.

"Ano bang pinagkakaabalahan mo dyan? Kumain ka na nga, male-late tayo niyan eh." Maghahanap pa kasi kami ng room namin mamaya pero itong si Meian, inuuna pa ang cellphone bago ang pagkain. Ako nga na mas matanda sa kanya, wala man lang sariling phone pero siya, meron.

Tumayo ako at pumunta sa likuran niya para silipin kung ano ang pinagkakaabalahan niya. Hindi naman niya napansin yung pagtayo ko kasi tutok na tutok siya sa tinitignan niya.

Nagulat ako sa nakita ko kaya inagaw ko yung phone niya. Tinignan ko ng mabuti yung picture na kanina pa niya tinitignan. Inaagaw naman ng kapatid ko yung phone niya pero bahagya ko itong inilalayo sa kanya.

"Oy, tigilan mo na nga yang pangi-stalk sa crush mo, wala kang mapapala dyan," sabi ko sa kapatid ko na nakasimangot na ngayon. "Oh, may kasama pa siyang babae, maganda siya ah." Binigay ko naman na ang phone niya at tiningnan ko siya ng taimtim. "Huwag mo sabihing nagseselos ka?"

"Yes Maiosh I'm jealous, kaya nga parang gusto ko nang durugin ng pinung-pino yung babae eh. And don't dare call her pretty coz I'm much prettier than her." Pinipisil niya ang phone niya na animong nanggigigil at bahagya pang lumalaki ang ilong.

"Oy ganyan na ba ang paggalang sa mas matanda sa'yo? At higit naman na mas maganda yung babae kaysa sayo 'no," sabi ko naman na nagpakunot ng noo niya at tumingin sa akin ng nakataas ang isang kilay.

"Oy, ano yang tingin mo na yan ha?" tanong ko na tinuturo pa yung mukha niya.

"It's nothing KUYA, ngayon ka lang kasi nagsabi sa isang babae na maganda siya. Why? Did you already fall with her charms?" Ano ba naman 'tong sinasabi niya? Porket sinabihan ng maganda, gusto na agad? At idiniin pa talaga niya ang salitang 'kuya', aba wala talagang respeto.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon