Chapter 40

27 0 0
                                    


Danedria's POV

"Samahan na kita."

"No way! I can do it by myself!"

"Sige na," pagpupumilit pa nito. "Tutal naman ay may bibilhin din lang ako."

"No," mariin kong sabi sa kanya, sinamaan ko rin siya ng tingin bago ako naglakad paalis. Pero sumusunod pa rin ito sa likod ko hanggang sa parking lot. "Denz, would you stop following me?!"

Nafru-frustrate na ako sa lalaking ito. Magmula ng mangyari ang bagay na 'yon ay naging ganito na siya sa akin. Naiinis na ako sa iniaasta niya, for pete's sake, it's been two weeks already!

Two weeks na ang nakalilipas pagkatapos ng tagpo namin sa mga lalaking nakaitim. Ang kapatid niya dapat ang binabantayan niya ngayon dahil sa natamo nito pero narito siya't palaging bumubuntot sa akin.

I tried to ask about the bad guys but he kept his mouth silent. Ni hindi niya ako sinagot sa lahat ng tanong ko maging sina Thigrea and Meian. Napupuna na naman ngayon ng tanong ang maganda kong utak.

"Ako na ang magda-drive," sabi ulit nito.

I raised my brow at him, "There's no way I'd let you touch my baby."

Agad akong pumasok sa kotse ko at papaandarin na sana nang biglang pumasok si Denz. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang ito sa akin.

"Paandarin mo na," utos nito. Napapabuntong hininga nalang ako sa kakulitan ng lalaking ito. Pinaandar ko na rin naman ang sasakyan.

Noong mga bata pa kami ay ako ang madalas na nangungulit sa kanya pero ngayon ay siya na. Bumaliktad na talaga ata ng tuluyan ang mundo, maraming nagbabago.

Nang makarating kami sa mall ay agad na kaming pumasok sa bookstore. Kailangan ko kasing bumili ng gamit para sa gagawin naming project sa isang subject. Ako nalang ang nag-volunteer para wala na akong gagawin pa.

Pagtingin ko naman sa likod ko, nakita kong bumubuntot pa rin sa akin ang kasama ko. Tumigil ako kaya napatingin siya sa akin.

"Why are you following me again? Akala ko ba may bibilhin ka?"

Napakamot ito sa bridge ng ilong niya, "Hindi ko pa kasi nahahanap."

"Edi hanapin mo! Hindi yung palagi ka nalang nakasunod sa akin!"

I don't know why, but it really irritates the hell out of me on how he treated me like a child. Kahit sa maliit na bagay ay nandyan siya para lamang tulungan ako kahit kaya ko naman. He's being clingy these days at napapansin din iyon ng mga kaibigan ko. Palagi nga nila kaming inaasar pero parang ako lang naman ang naaapektuhan dahil wala namang pakielam si Denz doon.

I don't like the way I'm feeling when he's always around me. Natatakot ako sa hindi ko maipaliwanang na dahilan. I'm scared of the way he cared for me, on how he treated me differently from others, and in all the things he's been doing for me.

That's why I'm trying all my best to resist the feeling inside me that could burst out any time soon kung hindi pa siya titigil sa mga pinaggagagawa niya. I cannot prevent it forever.

Napabalik ako sa reyalidad nang may biglang humablot sa kung ano man ang hawak ko. "Ako na ang magbubuhat, kanina ka pa kasi tulala."

Napakurap ako habang nakatingin sa likod niyang papalayo. Hawak na niya ngayon ang maliit na supot ng mga gamit na binili ko. Napabuntong hininga nalang ako, heto na naman siya. Ang liit lang ng bitbit ko pero siya na naman ang nagbuhat.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon