Maiosh Denz's POV0910. Ito ang number na napili ko dahil sa birthday ko. Tatlong linggo pa bago ang kaarawan ko. Palagay ko nga ay parang bumabagal ang oras dahil sa dami ng nangyayari sa 'kin. Wala pa ngang dalawang linggo simula nang mag-umpisa ang klase namin eh.
Hindi pa kaya ng katawan ko ang magtrabaho kaya umuwi nalang agad ako sa bahay. Nagpaalam na rin naman ako sa mga kasamahan ko sa cafe kanina na sa lunes nalang ako makakapasok. Magpapaalam sana ako kay Zajmin ng personal pero ang sabi nila ay nasa school pa ito.
Akala ko nga ay makakapagpahinga na agad ako ng maaga pero 'eto namang si Meian, pagdating ko palang sa bahay eh nagtatanong na.
"Kuyaaaa! Bakit magkakasama kayo sa iisang mesa? What happened? Why did Dandrei and Xander approached you? Ano'ng sinabi ni Dandrei sa 'yo? Bff na ba kayo pati ang Prinalphacess? And the most important thing is, nag-picture-picture pa kayo oh, ipinost niya sa fb. Waaahh, bakit mas nauna ka pa kaysa sa akin?"
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Bumungad lang naman sa akin ang nagngangawang si Meian, ang dami niya ring tanong. Para siyang batang kinuhanan ng candy.
Umupo muna ako sa tabi niya sa sofa at ipinahinga ang kumikirot kong katawan. Pipikit na sana ako pero niyugyog naman ako ng katabi ko. Haay, ang kulit naman.
"Kuya, answer me first bago ka magpahinga. I won't stop if you won't answer me!"
"Oo na, oo na, sasagutin ko na pero isa-isang tanong lang para hindi ako malito," sagot ko habang nakapikit na at nakasandal. Haay, hindi talaga titigil ang kapatid ko hanggang sa wala siyang makukuhang sagot.
"Okay. Mr. Maiosh Denz Deis—I mean Danger, here is your first question," sabi niya na para namang nagi-interview at parang may hawak pang imaginary mic, napaka-isip bata talaga. "Why did the Pinalphacess let you sit in their spot knowing that they have a reputation to protect?"
Bored ko lang siyang tinignan at sinagot siya sa tanong niya, "Inilibre nila ako ng pagkain dahil pasasalamat na rin daw nila ito sa panliligtas ko kay Danedria. At sa reputasyon na sinasabi mo, malay mo naman na wala talaga silang pakialam do'n."
Tumango siya, "Hmm, yeah you have a point kasi gano'n din kami nina Anizelle at Milliana, ginagawa lang namin 'yong gusto namin at hindi namin iniisip ang sinasabi ng iba." Tumigil siya sa pagsasalita at nag-isip saglit, "Where are we na? Oh, second question na pala. Friends na ba kayo ni Dandrei?"
Nagkibit balikat ako, "'Yon naman ang sinabi niya sa 'kin, ibinigay nga rin niya yung number niya eh."
"WHAT?!" Nagulat naman ako sa sigaw ng kapatid ko. Ano ba naman 'to, ang lapit-lapit pa namin tsaka ang tinis pa ng pagkakasigaw niya. "Akin na, akin na. Where's your phone?!"
Kinuha niya yung bag ko at siya na ang humalughog. Excited na excited eh. Hindi niya alam na nasa bulsa ko lang ito. Tsk, bahala siya diyan.
"Hoy! Tumigil ka na nga diyan, nandito sa 'kin." 'Di na ako nakatiis pa kaya sinabi ko nalang. Muntik na niya kasing ibuhos yung laman ng bag ko sa sahig eh.
"Hindi mo kasi sinabi agad eh. Akin na," abot ng kapatid ko sa phone ko na inilayo ko naman.
"Ayusin mo muna 'yang gamit ko bago ko ibigay."
Kita kong nainis siya sa 'kin. Nakabusangot niyang inayos ang laman ng bag ko. Alangan naman kasing ibigay ko agad ang gusto niya, baka mamaya niyan, 'di na niya ayusin yung bag ko.
"Oh." Ibinato niya sa 'kin bigla yung bag ko. Aba ang bastos, siya na nga ang may kailangan eh. "Akin na." Umismid nalang ako at ibinigay na ang hinihingi niya, baka magwala pa kasi.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Novela JuvenilMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020