Maiosh Denz's POV
"You have to run now, Denz."
"No. I'll help you, I know how to fight."
"Yeah right, but do you also know how to kill?"
"N-no, but—"
"They're coming... You have to go now!"
"But—"
"RUN!"
Hindi ko maintindihan ang mga napapanaginipan ko simula nang nasa clinic pa ako kahapon. Bakit ko napapanaginipan ang mga 'yon? Masyadong marahas. Gaya nang napanaginipan ko sa clinic, yung nabangga daw ako.
Kanina naman, ramdam kong marami akong napanaginipan pero hindi ko naman masyadong matandaan yung iba. Basta ang alam ko, kasama ako sa lahat ng mga napanaginipan ko.
Ang naaalala ko naman sa mga napanaginipan ko ay yung may dalawang bata na nagtatago sa likod ng isang sasakyan, isang babae at isang lalaki. Ipalagay nalang natin na ako nga yung batang lalaki dahil na rin sa itinawag ng batang babae sa batang lalaki. Denz daw pero hindi ko naman maalala na may nangyari sa 'kin na gano'ng pangyayari.
Nakita kong pinapaalis ng batang babae yung batang lalaki. Hindi naman ako makapaniwala sa pinag-uusapan nila na tungkol sa labanan at patayan. Ang bata-bata pa nila pero gano'n na agad ang pinag-uusapan. At hindi lang 'yon, kita ko rin sa panaginip ko na may hawak na mahabang espada ang batang babae tsaka may nakakabit pang baril sa tagiliran nito.
Nakakapangilabot ang naging panaginip ko, o kaya bangungot na ang tawag do'n. Nang tumakbo na palayo ang batang lalaki, saka naman maririnig dito ang mga putukan ng baril. Nagdadalawang-isip man na bumalik sa kasama nito, dumiretso pa rin siya't tumakbo palayo.
Nagsimula itong lahat nang pinalo ako sa ulo kahapon. Hindi ko alam kung totoo ba ang mga panaginip na iyon o imahinasyon ko lamang na gawa ng shock sa pagkakapalo sa 'kin. Pero posible rin na totoo iyon dahil na rin sa wala akong maalala na mga pangyayari noong bata pa ako. Parang sa paggising ko lang sa isang mahabang pagtulog ay malaki na agad ako.
Nabalik lang ako sa sarili nang tumayo na ang mga kaklase ko. Break time na pala. Tapos na palang magturo si Miss Jedy, hindi ko na narinig pa yung ni-lesson dahil na rin sa lalim ng iniisip ko.
"Halika na," narinig kong yaya ni Danedria, siguro sa kaibigan niya. Hihintayin ko na muna silang umalis bago ako susunod sa kanila.
Naglakad si Almina palapit sa kaibigan niya at tumingin silang dalawa sa akin. Eh? Bakit hindi pa rin sila umaalis?
"Halika na sabi ko," sabi niya na sa akin nakatingin. Ako ba ang tinatawag niya kanina?
"Ako?" turo ko sa sarili ko. Parang tanga lang, nakatingin na nga sa 'kin, tinanong ko pa.
"Sino pa ba ang tinitingnan ko? Edi ikaw."
"Bakit?" tanong ko nalang. Bakit naman niya ako pinapasama sa kanila? Siguro may ipapagawa na naman, pero 'di ba niya nakikita ang sitwasyon ko ngayon? 'Di nga ako makalakad ng maayos eh. Tsk, akala ko talaga hindi niya na ako kakawawain pagkatapos ng nangyari. Ang bait pa naman niya sa 'kin kagabi.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Ficção AdolescenteMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020
