Maiosh Denz's POVNakasalubong ko kanina si Dane kaya magkasabay kaming naglalakad ngayon papunta sa room namin.
Hanggang ngayon, ang dami pa ring nagbubulungan sa kahit na saang sulok ng eskwelahan. Hindi nalang tumigil eh. Palagi nalang nilang pinapakialaman ang buhay ng may buhay.
"Bakit palaging nakabuntot 'yang nerd na 'yan kay Princess Danedria?"
"Hindi mo ba narinig ang news? He's her slave, duh."
Mga bulong-bulungan nga naman, palaging naririnig. Paulit-ulit nalang, hindi naman makatotohanan. 'Yan ang tinatawag na hierarchy dito, tinatapakan ang mga mabababa. Pero kahit na nakapasok ako sa Royalties, marami pa rin ang against sa akin.
Itinuloy ko nalang ang matiwasay na paglalakad nang may makakasalubong akong babae. Maggi-give way na sana ako pero nabangga na ako nito. Ang bilis naman ata niyang nakalapit sa pwesto ko, kanina lang ay medyo malayo palang siya sa 'kin.
___________________________________________________
Someone's POV
"I adore her."
"She's really beautiful."
"'Di ba nasa top na naman siya sa Academy's Princesses?"
"Expected na 'yon 'no."
Napailing nalang ako sa mga naririnig. Hindi ba sila nagsasawang pag-usapan ako?
Nandito ako ngayon sa hallway at naglalakad na papunta sa room ko. May nerd akong nakita na may kasamang magandang babae. May pumasok na magandang idea sa isip ko, mapagtripan nga. Nyahaha.
Binilisan ko ang paglalakad ko at binunggo siya, siyempre sinadya ko 'yon. Hinila ko ang kwelyo niya at inilapit siya sa mukha ko. Ang tangkad niya pala sa malapitan kaya nakatingala ako ngayon. Pero hayaan na muna 'yon, start na ng acting-actingan.
"Hoy nerdy, 'pag binangga mo pa ulit ako, susuntukin ko na 'yang pangit mong pagmumukha!"
Tinitigan ko siya ng masama at pinag-aralan ang mukha niya. Can I take my word back? Hindi pala siya pangit, na-mesmerized nga ako sa ganda ng mga mata niya sa likod ng suot na glasses.
Nanatili kami sa ganoong posisyon, parang magnet na hindi maialis ang mga mata ko sa kanya nang bigla siyang hilain ng kasama niyang babae.
"Hey, take your filthy hands off him! And don't dare call him nerdy coz I'm the only one who should call him that!" nakabusangot na pahayag ng babae. Pamilyar siya ah, saan ko nga ba siya nakita?
Aha! Siya 'yong isa sa bagong naidagdag sa list ng Academy's Princesses kasama ng tatlo pang babae. Ang grupo rin nila ang madalas na pag-usapan ngayon ng mga kaklase ko. Ano naman kaya ang espesyal sa babaeng ito?
Ngumisi ako, "Nerdy ang gusto kong itawag sa kanya eh, so don't dictate me on what should I suppose to call him."
Kumunot ang noo niya, kita ko na ang inis at galit sa mga mata niya. Dinuro niya ako, tinaasan ko lang naman siya ng kilay. Kung patarayan lang naman ang labanan, game na game ako diyan. "You! Who are you?"
"I'm one of the Academy's Princesses, and I will not tell my precious name to you." Kinindatan ko siya, "And it's for you to find out." Ang sarap palang tignan ng naiinis niyang mukha, hahaha.
Bago pa siya makapag-react ulit, naglakad na ako palayo. Pero tinignan ko muna yung nerd, "Bye nerdy."
Natatawa akong umalis doon, it's priceless. Ang ganda nilang pagtripan, lalo na yung kay ano—ano nga palang pangalan ng babae? Ugh, nevermind.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020