Chapter 50

25 0 0
                                    


Maiosh Denz's POV

Desido na ako. Liligawan ko siya. Kahit na sinabi ni Dad na i-prioritize ko muna ang problema namin ngayon ay gagawin ko pa rin ang gusto ko.

Nakakapanibago. Ngayon ko lang susuwayin ang utos ng magulang ko. Pero parang ang luwag sa pakiramdam kahit papaano.

Hindi ko alam kung kailan nagsimulang umusbong ang nararamdaman ko para sa kanya. Basta ang gusto ko lang ay ang makasama siya palagi at makita ang saya sa maganda niyang mukha. Mas bagay kasi 'yon kaysa sa nakasimangot siya, pero ang cute pa rin naman niya kahit gano'n.

Ang unang pagkakakilala ko sa kanya ay isa siyang mataray na babae, matapobre, bully, at walang pakialam sa iba. Pero habang patagal nang patagal ay nagbago siya. Nagtataray pa rin naman siya, pero hindi na kasin-lala ng dati. Hindi na rin siya nambu-bully, at higit sa lahat, may itinatago rin siyang kabaitan, hindi nga lang naipapakita palagi.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto sa kanya, basta isang araw nalang ay palagi ko nang hinahanap-hanap ang presensya niya.

Isa siguro sa factor kung bakit ko siya nagustuhan ay ang palagi naming pagkikita, nasanay akong nakikita siya araw-araw kaya lumalim nalang bigla ang nararamdaman ko sa kanya.

Tsaka nung mga oras na nakita ko siyang umiiyak dahil sa problema nila ay nasasaktan din ako kagaya niya. Kaya parang may urge ako na pagsilbihan, protektahan, at alagaan siya. Sa pagdaan naman ng oras ay hindi ko na namamalayang ginagawa ko na iyon nang normal. Hindi ko maipaliwanag, parang instinct nalang para sa akin na tulungan siya sa oras na kailangan niya ng karamay.

Hindi ko na talaga kilala ang sarili ko. Kahit na hindi pa bumabalik nang tuluyan ang mga ala-ala ko ay batid kong marami na ang nagbago sa 'kin. Pakiramdam ko ay ibang-iba ako sa ako noon at sa ngayon.

Pero ang kaibahan nga lang ngayon ay napagtanto ko na kung ano o sino talaga ang gusto ko.

Para magawa ko ang plano kong pagtatapat sa kanya, dinala ko siya sa isang talon sa gubat malapit sa resort. Doon ko siya dinala para walang makaistorbo sa amin.

Nalaman kong may talon dito dahil may ibinigay sa aking mapa si Dad kaakibat ng black card kanina. Siguro ay gusto niya talagang sulitin ko muna ang bakasyon ko rito at malayo muna sa stress sa siyudad.

Nakita ko ang pagkamangha at saya sa mga mata niya habang pinagmamasdan ang tanawin na batid kong ngayon niya lang nakita. Masaya ako at nagustuhan niya ang advance gift ko.

"Gusto mong maligo?" tanong ko na tinanggihan niya.

Umakyat nalang ako sa mga bato-bato. Hindi ko na siya pinilit dahil alam kong sasama naman siya sa akin. Takot 'yon mag-isa eh.

"Hindi naman ako maliligo. Wala kasi akong kasama doon. Tsaka sinama-sama mo ako rito tapos iiwan mo rin naman pala," sabi niya pero natawa nalang ako at pumunta sa gitna ng tubig. Ito na siguro ang tamang oras.

Nanlalamig man ako at kinakabahan, nilakasan ko pa rin ang loob ko para sabihin ang gusto kong sabihin.

"Kagaya ng sabi ko kanina, once in a life time lang 'to mangyayari." Ngumiti ako. Ngiting minsan lamang kung makita ng iba, pero gusto kong makita niya nang harapan para maramdaman niyang sincere talaga ako.

"Dane..." Lumunok ako at huminga nang malalim. "... gusto kita."

Ang lamig na nararamdaman ko kanina ay natunaw nang uminit ang buong mukha ko.

Ayoko rin munang makita ang reaksiyon niya kaya agad-agad akong tumalon pababa.

Pagkaahon ko sa tubig ay saka ko naman nakita si Dane na nahulog mula sa itaas.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon