Dandrei Cozllen's POVAno kaya ang magiging reaksyon ni baby sis mamaya? Hahaha, excited na ako. I-video ko kaya?
Pagbaba ko sa dining area, nakita ko si Dane na nakaupo at kumakain na.
"Oh, may lakad ka ba?" tanong ko dahil nakapang-alis siya. "Ang aga naman ata."
"My friends and I were going to the mall, kuya." Base sa ikinikilos niya, parang nagmamadali siya. Muntik pa nga niyang mabitawan ang baso bago tumayo eh.
Akmang lalagpasan na niya ako nang hinila ko siya at ipinaharap sa akin, "May iniiwasan ka ba?" tanong ko habang nakangisi. Mukhang alam ko na kung bakit siya nagmamadaling umalis. May ayaw siyang makita.
Nanlaki naman ang mga mata niya, "Wh-What are you talking about? A-Anong iniiwasan? Wala 'no! Nagmamadali lang ako kasi baka naghihintay na ang mga kaibigan ko."
"Ang defensive mo naman." Binitawan ko siya at umupo sa isang stool, "Hindi siya pupunta ngayon."
Napatigalgal naman siya sa narinig. "H-Huh?"
Ang ganda talagang asarin ng kapatid ko, ang priceles ng mukha niya. Nakakatawa.
Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang tawa, "Ang sabi ko, hindi siya pupunta ngayon dito."
"W-Why? Kung gano'n, kailan siya pupunta dito?"
Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit ko naman sasabihin sa 'yo? Baka kapag sinabi ko, aalis ka na naman. Mas maganda kung surprise. Kung gusto niyang pumunta dito, edi pumunta lang siya, tutal naman alam na niya kung saan tayo nakatira."
"What do you mean? Paano naman niya malalaman kung saan tayo nakatira?"
Dahil sa tanong niyang iyon, mas lalong lumaki ang ngisi ko. Umaarte pang walang alam ah. "Hindi mo ba naaalala? Nakita ko kayong magkasama noon, inihatid ka pa nga niya mismo dito sa bahay eh. Akala mo hindi ko nakita? Hindi mo ako napansin sa sala dahil para kang lumulutang sa ere nang pumasok ka dito sa bahay. Mukhang kinikilig ka nga noon eh."
"Eh?" Namula agad ang mukha niya pagkasabi ko no'n. Ang cute cute talaga ng kapatid ko kapag nahihiya. "Pumunta lang kami sa bayan kasi pinapasabi ni mom na ibilhan ko siya ng bagong bike! Anong kinikilig ang sinasabi mo diyan, kuya?! Naiinis nga ako no'n dahil sinayang niya ang oras ko! Hmp!"
"Sus! Parang good mood ka naman noon eh. Palusot mo ah, gawin mo namang convincing."
"Che! Kung ayaw mong maniwala, edi 'wag! Aalis na ako!" sigaw niya pa. Ang defensive masyado, halata namang nagsisinungaling lang.
Nang akmang lalabas na siya, hinarangan ko ulit ang dadaanan niya. "Hindi ba ang sabi ko noon ay tayo naman ang lumabas na dalawa? Hindi pa tayo nagba-bonding simula no'ng umuwi ka."
"Hmp, next time nalang, naiinis ako sa pagmumukha mo!"
Nilagpasan na niya ako at binalibag pa ang pinto. Aba talaga ang babaeng 'yon. Makita lang niya bukas, masu-surprise talaga siya. Bwahaha.
**********
Paglipas ng araw, umaga na naman. Ito na ang araw para sa sorpresang kahapon pa hinihintay ng kapatid ko. In denial talaga 'yon eh.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Novela JuvenilMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020