Chapter 45

19 0 0
                                    


Danedria's POV

It's been few weeks since I saw Dad cheating with my own two eyes. So far, wala pa namang nangyayaring confrontation sa bahay.

Noong umuwi ako ay sinabihan lang ako ni Kuya na ilihim muna kina Mom and Dad ang nakita ko. Sinabi lang niya sa kanila na naki-sleepover ako kina Almina.

Of course, it was hard for me to act in front of Dad. Everytime I see him, naaalala ko ang gabi kung saan ko nakitang masayang-masaya siya kasama ang iba. It was painful pero wala na akong magagawa, gusto ko rin munang malaman ang side niya bago ko siya husgahan ng tuluyan.

Pero hindi na muna sa ngayon, kung kailan ready nalang si Mom. I know na mas mahirap ang pinagdadaanan niya compared to us.

Ang mga lukaret ko namang mga kaibigan ay naamoy na ang nangyayari sa akin noong last time na nag-mall kami dahil nakita rin nila si Dad on that day. Mabuti at hindi na muna sila nag-usisa patungkol doon.

"Waaahh! Number 10! Oh my god! Ang galing mo!"

"Almina naman, ang sakit sa tenga!" sigaw ko pabalik dahil ang ingay-ingay, katabi ko kasi sa bleacher ngayon ang loka.

"Gaga, ang dami rin kayang sumisigaw. And we're doing it para naman umusad pa ang fans club natin. Here, hold this."

Ibinigay niya sa 'kin ang isang papel na may nakasulat na numero. Number 10, ang number ni Denz. Napaismid ako, isinali na talaga nila ako ng tuluyan sa fans club nila ah.

"Bleindy sabay tayo."

"Okay, in three, two, one..."

"GO NUMBER 10!"

Napahilamos ako ng mukha dahil sa dalawang 'to. Tinignan ko si Caevy sa kabilang dulo na katabi ni Bleindy, may hawak din itong papel kagaya ko. Mukhang nabiktima rin siya sa kalokohan ng dalawa.

Intrams kasi ngayon kaya namin ichini-cheer ang varsity. Ito ang naging opening sa intrams namin, kalaban nila ngayon ang varsity ng kabilang school. Third quarter na at dikit na dikit ang laban, lamang lang ng tatlo ang score namin.

"Waaahh! He looked at us!" sigaw bigla ni Almina kaya napatingin naman ako sa court. Hindi naman siya nakatingin dito. Focused nga siya sa paglalaro eh.

"Parang hindi mo naman siya nakikita at nakakausap araw-araw sa iniaasta mo," sabi ko sa kanya. Walang hiya eh.

"Wala, fan girl feels lang."

Loka talaga.

After naman nitong intrams ay exam na. Parang binibigyan lang kami ng mabilisang saya tapos hell week na kaagad, hindi nalang inuna ang exam kaysa sa intrams eh.

Ngayon ngang first day ng intrams ay opening muna, buong week din na walang klase. Ang mga varsity muna ng school ang maglalaro laban sa ibang schools. Open gates din ngayon kaya malayang nakakapasok ang mga outsiders.

"BEEEEEEEPPPP!"

"WAAAAAAHHH!"

"So, ngayon nga ay malinaw na malinaw ang nangyari! The winner is Wilthon Academy! CONGRATULATIONS!"

Nagsimula nang gumulo ang lahat pagkatapos ng game. Pumunta ang karamihan sa court na nagtatalunan kaya nagsiksikan na ang lahat doon. Pati nga kami ay naiipit na rito. Argh! Ang init! So gross! Nadidikit ako sa mga pawis ng iba!

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon