Chapter 38

18 0 0
                                    


Danedria's POV

Unang araw ngayon ng pasukan para sa second half ng first semester. May bago na namang lesson, bagong tasks, bagong exam na paghahandaan, and the like. Nakakatamad!

"All Campus Royalties, please proceed to the room 123, now!"

"I repeat, all Campus Royalties, please proceed to the room 123, now!"

Ano naman kaya ang mero'n? Bakit kami pinapatawag?

Nang marinig ang announcement mula sa speaker, agad na kaming pinalabas ni Miss Jedy.

Pagtingin ko sa mga kasama kong tumayo, ang dami pala naming parte ng Royalties dito sa section namin. Mga anim kaming lahat. Kaming tatlong magkakatabi, kasama sina Jastine na isip bata, Jhuro na playboy, at si Thigrea na may pusong yelo.

Sumunod nalang kami kina Jastine dahil hindi pa namin alam ni Almina kung nasaan ang room 123 na sinabi sa speaker.

Habang naglalakad, pumagitna sa amin ni Almina ang playboy na si Jhuro. Heto na naman siya. Ang lakas pa ng loob umakbay, hindi naman kami close! Kaya tinanggal ko kaagad ito.

"Kumusta kayo mga señorita?" tanong nito na may kasama pang pagkindat. Nakakapangilabot.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Almina, "Mabuti naman señorito."

I cringed. Nakakasuya ang dalawang 'to. Binilisan ko nalang ang paglalakad para hindi ko sila makasabay.

Nilagpasan ko sina Denz at Jastine na nag-uusap ng kung ano man. Wala na akong pakialam doon. Sumabay nalang ako kay Thigrea na nauuna sa amin kanina.

"Hi, Fifi," bati ko na nagpasama na naman ng mukha niya. Nakakatuwa lang talagang  tignan kung paano magbago ang ekspresyon ng mukha niya mula sa blangko papunta sa pagkainis.

"I said stop calling me that!" naiinis nitong turan. Nakakunot ang noo at pinanipis pa ang labi. Hoho, mukhang naiinis na si ate girl.

"Ang ganda kayang pakinggan, parang yung cartoons na napapanood ko noon. Si Fifi lea flea. Hahaha!"

"Tsk."

"Ano'ng mga pinagkakaabalahan mo ngayon, Fifi? Parang ang boring ng buhay mo eh?"

Sa sinabi ko, bigla siyang ngumisi. Nakaramdam naman ako ng hindi maipaliwanag na lamig. Okay? Bakit biglang tumaas ang mga balahibo ko sa batok?

"My life is not boring at all. To be honest, it was super extreme. I'm really enjoying it."

"Okay?" Wala na akong nasabi pa. Mukhang masaya nga siya sa ginagawa, hindi ko lang alam kung ano'ng saya 'yon.

Pagkalipas ng ilang minutong paglalakad, nakarating na rin kami sa room 123. Ang room ay nasa faculty building. Ang ilan sa kanila ay nakaupo na palibot sa malaking lamesa.

"Hi Ate Dane!"

"Uy, pogs! Dito ka umupo!"

"Waaah, Thigrea!"

"Baby sis!"

"Hi Kuya Yosh! Ang gwapo natin ah!"

"Mga bruha!"

Pagkarating namin, ingay agad ang bumungad sa amin. Ni hindi ko na naintindihan pa ang ilan dahil sa naghalo-halo na ang lahat ng boses sa kwartong ito.

Basta ay pumunta nalang kami ni Almina kina Bleindy para tumabi sa mga ito.

Inilibot ko ang tingin sa mga kasama ko. Ang ilan dito ay hindi ko pa kilala, at ang ilan ay nakita ko na sa kung saan man pero hindi ko alam ang pangalan.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon