Chapter 55

25 1 0
                                    


Maiosh Denz's POV

"Dad! Please, wake up!"

"Hon, 'wag mong ipipikit ang mga mata mo. We'll get there, malapit na tayo sa hospital."

"Dad, papatawarin na kita sa mga kasalanan mo, basta gumising ka lang! Please!"

"Time of death, 10:27 pm."

"No! Please, no! Doc, buhayin niyo siya!"

"Sorry for the lost, Madam."

Natulala nalang ako sa mga nangyayari. Hindi ako makagalaw. Parang biglang naging blurred ang lahat ng nakikita ko ngayon. Bakit bigla-bigla nalang naging ganito?

Kanina ay masaya pa kami. Wala pang ganitong nangyayari. Tinuturuan ko lang si Dane kanina sa mga subjects na hindi niya maintindihan. Tapos ay tinawag kami ng Mommy niya para magmeryenda, at doon na nagsimula ang hindi namin inaasahang gulo.

May mga taong nakasuot ng itim ang biglang sumugod sa loob ng bahay nila. May hawak din silang mga armas kaya mahirap silang kalabanin.

"Si-Sino kayo?!" nanginginig na tanong ni Tita Ceth sa mga lalaking nakamaskara ng itim. Para silang magnanakaw pero may kutob ako kung sino sila.

Tumingin sa 'kin ang lalaking nauuna sa kanila at ngumisi, "Batid kong kilala kami ng lalaking iyon." Tinuro nila ako kaya napalunok ako sa kaba.

Kinakabahan ako hindi para sa sarili ko, kundi para sa mga taong nadadamay ngayon dahil sa problema namin.

"D-Denz, sila ba yung sinasabi mong kalaban ng pamilya mo? Bakit sila nandito ngayon?" nanginginig na tanong ni Dane, batid ko ang takot sa boses palang niya.

Umabante ako palapit sa kanila.

Hindi ko alam kung kakayanin ko silang kalabanin lahat. Nasa sampu ang bilang nila pero mahihirapan ako dahil may kanya-kanya silang mga armas.

"Ano ang kailangan ninyo?" tanong ko.

Mas lumaki ang ngisi ng taong nasa harapan ko, "Hindi mo man lang ba kukumustahin ang dati mong katrabaho, Denz?"

Kumunot ang noo ko, ano ang pinagsasasabi nito?

"Sino ka ba?"

Unti-unti niyang inangat ang kanyang maskara hanggang sa nakita ko na ang kabuuan ng kanyang mukha. Nanlaki ng bahagya ang mga mata ko sa gulat dahil hindi ko inaasahan na isa pala siya sa mga tauhan ng mga Reiter.

Noon pa man ay hindi ko na gusto ang pakikitungo sa 'kin ni Rey, pero hindi ko naman naisip na isa pala siya sa mga kalaban. Naaalala ko pa ang sinabi niya na hindi raw kami bagay ni Dane dahil sa isa lamang akong hamak na nerd.

Isa siya sa mga naging katrabaho ko sa Salty's Sweets. Ang totoong misyon niya yata noon ay manmanan ako, hindi ang magtrabaho bilang isang waiter.

Tumingin siya sa likuran ko, "Hi, miss ganda. Naaalala mo pa ba ako?"

Hinarang ko ang sarili ko mula sa pagtingin niya kay Dane. Tinignan ko siya nang masama, "'Wag niyo silang idadamay. Kung narito kayo para kalabanin ako, sa labas tayo magtuos."

"Ang tapang mo na ah." Lumapit siya sa akin at nakipagtitigan, ipinatong pa niya ang kamay sa balikat ko, "Hindi ko naman sila idadamay eh, depende nalang siguro kung hahadlang sila sa plano kong patumbahin ka."

Inalis ko nang pwersahan ang kamay niya sa balikat ko kaya napaatras siya ng bahagya. Natawa siya pero agad na sumama ang tingin niya sa akin.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon