Chapter 17

46 1 0
                                    


Danedria's POV

"Mom, kilala mo yung Nanay ni nerdy?" tanong ko pagkapasok namin ng kotse.

"Yes. Taga-roon din sila sa village natin noon pero umalis nalang sila bigla ng walang paalam. Emergency daw kaya hindi na kami nag-usisa pa."

Tumango-tango ako, "Ahhh, so mayaman sila noon? Eh bakit ngayon, hindi na?"

"I don't know what happened to them either. Isa rin ang kompanya nila sa pinakakilala dito sa lugar natin, ang Deistone Company. Bumagsak lang ito nang umalis sila five years ago."

Deistone? "Hindi ba totoong Danger ang apelido nila?"

Umiling si mommy, "No, Deistone ang apelido nila noon. 'Di ko lang alam kung bakit nila ito pinalitan. 'Di ko na rin natanong kanina kasi parang nagmamadali sila, maybe she's not comfortable around me kasi baka na-anticipate niyang magtatanong ako."

"Okay, tatanungin ko nalang si nerdy about them. I'm getting curious."

"Don't pry any deeper to their problem if they do not want to share it with others, Dane. Kita mo naman kanina kung pa'no sila nagmamadaling umalis kanina 'di ba? I think it's a private matter so just wait for them to open up if they wanted to, okay?"

Napatango nalang ako at tumahimik buong biyahe. Hindi ko alam na gano'n pala ang buhay ni nerdy, full of... different things? If that's the right thing I should call it, different or weird.

Nang makauwi na kami, dumiretso na agad ako sa room ko. 'Di na ako naligo at nagpalit nalang ng pantulog dahil na rin sa pagod. Haay, today is a tough day. Ang daming nangyari ngayong araw.

Firstly, kaninang umaga, nagdrama si kuya about sa pagbabago ko nang tumira ako sa London. Second, napatawag kami sa Principal's office dahil sa mga kalokohan namin at naglinis sa buong corridor ng building. Third, nalaman ni mommy yung pagkasira ng bike ni nerdy na dapat kong palitan ng mamahalin. And fourth, yung nangyari kani-kanina lang na aksyon sa 'min and yung sa mga goons.

Nangyari ata 'to lahat dahil sa pagbuhos sa 'kin ni kuya ng tubig kaninang umaga. Dahil sa kanya, nagkamalas-malas na ang buong araw ko. But setting that aside, marami rin naman akong nalaman, natutunan at na-realized dahil sa araw na 'to.

Dapat hindi ko pinagwo-worry si kuya and I should not hurt his feelings kasi ngayon nalang ulit kami nagkasama. Siguro babawasan ko nalang yung mga ginagawa kong kalokohan para hindi masaktan yung mga taong nakapaligid sa 'kin. It's my fault, I'm being too childish.

And also, I might ask nerdy out for this weekend para bumili ng bike niya para mabawasan naman kahit papaano yung mga nagawa kong mali. Kahit naman ganito ako, may kabaitan pa rin naman ako 'no. Tinulungan pa niya ako kanina kahit na inaaway ko siya palagi.

Hindi ko talaga makakalimutan yung mga nangyari sa araw na 'to. This is the most memorable day I have since I went home so far. This is the most weirdest day in my life. Haha, OA lang, but it's true. Ngayon ko lang 'to naranasan, ngayon lang ako nakapanood ng live action na parang nagpapatayan na.

'Di lang ako makapaniwala na isang nerd pa talaga ang makakagawa ng ganoong klaseng bagay. Cool, parang sa TV lang, pero nakakatakot din pala kapag totoo na ang mga nangyayari sa paligid mo.

To be honest, natakot talaga ako kanina dahil sa dami ng dugong tumalsik sa mga sugat nila. Lalo na nang napalo si nerdy sa ulo. Whenever I think about that scene, I feel goosebumps all over my body and I shiver. Buti nalang talaga at may tumulong sa kanya, kung wala, baka napano na siya.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon