Chapter 11

45 3 0
                                    


Maiosh's POV

Gaya ng inaasahan, pinahirapan nila akong kunin ang order nila. Umupo sila sa mesang malayo sa counter at isa-isa nilang sinabi ang order nila.

"Mine's spaghetti and strawberry shake."

"Yun lang? Eh 'yong mga kasama mo?" tanong ko kay Danedria. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit hindi na ako nauutal o nahihiya man lang. Dahil siguro sa malapit na akong mapuno sa pinaggagagawa nila sa 'kin.

"Mamaya na sila, tatawagin ka nalang nila 'pag mago-order na sila."

Napabuntong hininga nalang ulit ako at pumunta sa counter para sabihin ang order. Kinuha ko ang number at ibinigay kay Danedria. Aalis na sana ulit ako pero nagsalita naman ang isa sa kaibigan nito.

"Carbonara ang sa akin at isang orange juice." Sa pagkakaalala ko, ang pangalan niya ay Bleindy.

Pagkatapos kong sabihin ulit ang order, kumuha ulit ako ng number. Pagkabigay ko, nag-order na naman yung isa pa niyang kaibigan. At pati 'yong isa pa, sumunod naman ang mga lalaking kasama nila. Isa-isa nilang sinabi ang order nila kaya pabalik balik ulit ako.

Nang tapos nang maluto ang mga order nila, paisa-isa ko na namang ibinigay ito sa kanila. Tatawag sana ako ng kasamang magbubuhat pero pinagbawalan sila ni Danedria. Binantaan niya ang lahat ng nagtatrabaho dito.

"Huwag niyo siyang tutulungan or else mawawalan kayong lahat ng trabaho. Alam niyo namang kami ang nagmamay-ari ng school na 'to 'di ba?"

Wala na silang nagawa kundi ang sumunod sa boss nila. Ayaw din kasi nilang mawalan ng trabaho dito.

Nang patapos na ako at isa nalang ang kukunin ko ay nakita ko ang isang estudyante na inilabas ang paa niya at akmang papatirin ako. Hinakbang ko lang ang paa ko rito at pumunta sa counter para kunin ang order.

Pabalik na ulit ako pero pagharap ko bumungad sa 'kin ang lumilipad na spaghetti. Yumuko agad ako para maiwasan 'yon pero may sumunod na naman. Sunod sunod ang pagbato ng mga estudyante sa akin pero mabuti at naiiwasan ko iyon lahat hanggang sa nakarating na ako sa lamesa nila.

"Heto na po ang order niyo," sabi ko ng may ngiti sa labi. Pinipigilan ko lang ang pagtawa dahil sa mga itsura nilang nagulat. Nanlalaki ang mga mata nila at nakabuka ang mga bibig.

"Wow ang galing," sarkastikong untad ni Danedria nang naka-recover na siya sa nangyari. Siya pa talaga ang may ganang mainis sa ginawa nila sa akin ah? Pakana na naman nila ang pagbabato sa akin kaya naging madumi na ngayon ang buong cafe.

"Were done." Tumayo silang magkakaibigan kasama ang apat na lalaki. Hindi man lang nila inubos ang mga kinain nila, mga mayayaman talaga. "Ikaw, linisan mo lahat ng kalat dito. Take note, ikaw lang."

"Kung sino man ang magsumbong nito sa principal ay malalagot sa 'kin."

Umalis na sila pagkatapos niyang sabihin iyon. Tumingin ako sa buong cafe at napabuntong hininga. Ang gulo na ng buong cafe, yung mga trabahador nalang din ang mga natira dito pero lumabas din sila kaya mag-isa nalang ako. Ang dami kong lilinisan.

_______________________________________________________

Danedria's POV

Hindi ko magawang ma-satisfy sa pagpapahirap ko sa nerd na 'yon. Naiinis ako kahit na iniwan namin siyang maraming lilinisan. Parang hindi sapat lahat ng iyon. Argh. Dumagdag pa sa sakit ng ulo ko ang mga sinasabi ng mga kasama ko ngayon.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon