Chapter 58

17 0 0
                                    


Maiosh Denz's POV

Nakaupo kami ni Meian sa sofa habang tinititigan namin ang aming mga magulang.

Sinusubuan ni Dad si Mama ng sopas na siya mismo ang nagluto. Paborito kasi iyon ni Mama, lalong-lalo na kung si Dad ang may gawa.

Nakikita kong napakasaya nila kasama ang isa't isa at parang teenager palang na nagliligawan.

Isang linggo na rin ang nakalilipas mula nang mailigtas si Mama sa bingit ng kamatayan. Mabuti nalang at hindi siya sumuko. Mabuti nalang at hindi niya pa kami tuluyang iniwan.

Kaya ngayon ay todo asikaso si Dad kay Mama. Ni kaunting galaw lang ay sinisita niya na ito dahil ayaw niya raw mapagod ng husto ang asawa.

"Denz, Meian, ayusin niyo na ang mga gamit natin at uuwi na tayo," sabi ni Dad na agad naman naming sinunod.

Sabi ng doctor ay maayos na raw ang lagay ni Mama kaya pwede na namin siyang maiuwi. Sa wakas ay hindi na namin kailangan pang bumalik rito, tapos na rin kasi ang pagtulong namin sa mga nadamay.

"Denvis, ibaba mo nga ako! May wheelchair naman eh," ungot ni Mama nang binuhat siya ni Dad.

"Gusto kasi kitang pagsilbihan," malambing na saad ni Dad. Kahit kailan ay mabulaklak talaga ang bunganga niya. Binansagan nga rin daw siyang 'Romantiko' no'ng mga kabataan nila sabi ni Tito Rex, ang tatay ni Thigrea.

"Hindi ka ba napapagod? Palagi mo nalang ako'ng binubuhat."

Umiling si Dad at nginitian si Mama nang matamis, "Hinding-hindi ako magsasawang buhatin ka. Ikaw ang binibini ko kaya narito lang ako palagi para alagaan ka."

Nagulat pa ako nang hinalikan niya si Mama sa labi. Napaiwas agad ako ng tingin at pasimpleng lumabas ng kwarto.

Sa nasaksihan ko, hindi ko maiwasang alalahanin ang ginawa ko kay Dane noong nasa falls kami. Hindi ko alam kung halik bang maituturing iyon o isang paraan lamang para mailigtas siya.

"Kuya, ba't namumula ka diyan? Tara na, una na tayo. Nakakainggit sina Mama. Kailan ba kasi ako liligawan ni Dandrei?"

Nilagpasan niya ako pero agad ko siyang sinabayan ng lakad, "Si Dandrei na naman ang iniisip mo. Ang bata-bata mo pa, pag-aaral nga muna ang atupagin mo. At tsaka, close ba kayo ni Dan para maligawan ka niya?"

Ngumuso siya at inirapan ako, "Porket may Ate Dane ka na, ganyan mo na ako pangaralan. 'Di ba you're Dandre's friend? Ireto mo naman ako oh, ang tagal ko nang request 'yon pero hindi mo ako pinagbibigyan."

"Sinabi na nga naming mag-graduate ka muna sa high school eh, ang kulit."

"Hmp. Pero kumusta na pala kayo ni Ate Dane? Any progress sa relationship niyo?" Hindi ko napaghandaan ang tanong niya kaya hindi ko ito nasagot kaagad. "Hoy, Kuya! Kumusta kako kayo?"

Napakamot ako sa tungki ng ilong ko, "Ah, eh, napagkasunduan muna naming dalawa na bibigyan ko na muna siya ng space dahil sa nangyari sa Dad niya. Alam mo na, medyo may kasalanan tayo doon. Tsaka halos isang buwan ko na siyang hindi nakita at nakusap dahil medyo busy rin naman tayo nitong mga nakaraang araw."

Hindi ko alam pero bigla ko nalang nasabi sa kanya ang tungkol doon dahil sa palagay ko ay may maipapayo siya sa akin kahit papaano.

Napansin kong kumunot ang noo niya at bigla akong sinapak sa braso.

"Aray, bakit ka ba nananapak?!" Hinimas ko ang brasong natamaan para maibsan ang sakit kahit papaano.

"Alam mo, Kuya? Ang tanga mo! I understand that she needs space pero bakit wala ka man lang ginawa para pahupain kahit papaano ang pagka-down niya sa nangyari? Ni-literal mo naman masyado ang space na hinihingi niya."

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon