Chapter 27

23 0 0
                                    


Maiosh Denz's POV

____________________
From: Dandrei

Uy, ano na? Sali ka na bro
____________________

Napapabuntong hininga nalang ako sa kakulitan nitong si Dandrei. Oo si Dandrei, ayaw niya kasi akong tawagin siyang kuya kahit na mas matanda siya sa akin.

Ilang araw na rin niya akong tinatanong sa pagsali ng tryout sa basketball kaya hindi nagtagal, napapayag na rin niya ako. Haay.

Hindi ko naman talaga alam maglaro eh. Ni hindi nga ako nakakahawak ng bola ni minsan.

Ngayon nga ay inumpisahan na namin ang pagwa-warm up. Nakahiwalay ang mga magta-try out sa mga dating players ng basketball. Natanaw ko rin kanina sina Danedria sa parte kung nasaan sina Dandrei.

Sa pagkalipas ng ilang araw, naisip ko na malaki ang posibilidad na si Danedria ang nasa panaginip ko. Gusto ko ngang maghanap ng clue para sana malaman ko kung siya nga ba iyon o hindi.

"Players!" Pumito ang coach ng basketball team na sanhi ng pagtahimik ng buong gymnasium. Magsisimula na ata. "Uunahin muna natin ang free throw at three point shoot out. Titignan natin ang mga capabilities ninyo. Pumila na kayo sa gitna and we'll start first with free throw."

Pumila na kami sa gitna at nagsimula na. May tatlong beses na maibibigay sa amin para mag-shoot. Nakaka-pressure dahil nakikita ko namang may experience ang mga nandito ngayon. May nakakapuntos ng kompletong tatlo at mayroon ding dalawa. May hindi rin pinalaran na nakapuntos ng isa o wala talagang nai-shoot.

"Ano'ng pangalan mo?!" sigaw ng coach hindi kalayuan habang may hawak na listahan. Ang bilis, ako na pala ang titira.

"Maiosh Denz Danger po!"

"Sige, magsimula ka na."

"Bro!" Napatingin ako kay Dandrei na nag-thumbs up sa akin at sa katabi nitong si Xander na ngumiti lang. Sa katunayan, sila ang may kasalanan kung bakit ako napasabak dito.

Napadako naman ang paningin ko sa Prinalphaces na mataimtim na nanonood sa akin.

Huminga ako ng malalim. Kaya ko 'to.

Pumustura ako ng gaya ng mga basketball players na napapanood ko sa TV. Iminuwestra ko ang katawan na parang magsu-shoot na. Okay.

Itinira ko na ito at kita ko ngang sablay. Napahiyaw ang mga manonood dahil doon. Naririnig ko na kung ano-ano na naman ang sinasabi nila sa akin.

"Booo, nerd talaga, umalis ka na sa court! 'Di ka bagay diyan!"

"Wahahaha, bakit ka pa sumali diyan?!"

"ANG SABLAY MO NAMAN!"

Napangisi nalang ako. Ngayon, alam ko na kung paano ko ititira ang bola. Tinantsa ko lang ang lakas ko para malaman ko kung aabot ba ito sa ring o hindi.

Iminuwestra ko ulit ang katawan ko sa pangalawang pagkakataon. Mini-measure ko na ngayon ang tira ko. Sigurado na akong papasok ito.

"Booo, sablay ulit 'yan!"

Tinira ko na ang bola at ayun, sapul. Napatahimik ang mga nanonood dahil naitira ko ng walang sablay ang bola.

"Tantsa lang 'yon oy! 'Di ka pa rin magaling!"

Sa pangatlong pagkakataon, tinira ko na naman ang bola. Napapangisi nalang ako dahil pinipilit nila na tantsa lang ang ginawa ko pero kitang-kita naman ng dalawang mata nila na nai-shoot ko naman ng dalawang beses ang bola.

"Whooohh! Ang galing mo!" sigaw ni Dandrei na sumusuporta sa akin. Ang laki ng ngiti niya. Tsk. Napailing nalang ako dahil narinig ng karamihan na sinuportahan ako ng prinsipe nila.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon