Chapter 7

49 7 0
                                    


A/N: Sorry for the previous updates, it's lame. But I'll do my best for the more upcoming chapters. Wala lang akong masyadong maisip na scenes kaya gano'n. Hehehez.

_______________________________________________________

Maiosh's POV

Biyernes na ngayon ng gabi, pero nandito pa rin ako sa coffee shop dito sa tapat ng academy. Nag-aayos at naglilinis nalang kami dahil pasara na rin ang shop.

"Guys! Bilisan na natin, mag-a-alas diyes na," utos sa 'min ng kamag-anak ng may-ari. Wala kasi ngayon si Madam kaya siya muna ang tumitingin at nagpapasweldo sa amin. Kaedaran ko rin siya at nag-aaral din siya sa Swift Academy.

Karamihan ng nagpa-part time dito ay mga scholar din kagaya ko. Strikto si madam sa 'min, pero kabaligtaran ng ugali niya ang kanyang pamangkin, mabait.

"Uy Yoshy, gusto mo tulungan na kita? Basang-basa ka na ng pawis oh." Lumapit sa 'kin si Zajmin—ang pamangkin ng may-ari—at tutulungan na sana ako pero pinigilan ko siya.

"Huwag na Miss Reiter, kaya ko na po 'to. Tsaka pinapasweldo niyo 'ko dahil dito," magalang kong tugon sa kanya. Kahit na magkasing-edad lang kami, dapat ko pa rin siyang igalang dahil boss ko pa rin siya.

"Ano ka ba, sabing Zajmin o Zaj nalang itawag mo sa 'kin eh. At tanggalin mo nga yung 'po', ginagawa mo naman akong matanda," parang bata niyang pamimilit. Last week lang dumating dito si Zajmin, galing daw siyang probinsya nila. Kaya last week ko lang din siya unang nakita nang ipinakilala siya ni Madam.

"Nasa trabaho pa tayo ngayon Miss Reiter. Pero promise, kapag wala tayo sa trabaho, tatawagin kita sa pangalan mo at wala na rin yung 'po'." 'Yon nalang ang sinabi ko para hindi na niya ako masyadong kulitin.

"Hmp, sige na nga. Pero kung ayaw mo talagang magpatulong sa 'kin, pupunasan ko nalang 'yang pawis mo." May inilabas naman siyang panyo sa bulsa ng palda niya.

"Nako huwag na po Miss Reiter, nakakahiya," sabi ko sa mahinang boses. Marami na rin kasing ka-trabaho ko ang tumitingin sa direksyon namin, baka sabihin nilang tini-take advantage ko ang paglapit sa 'kin ni Zajmin para sa pera.

"Hindi, okay lang," nakangiti niyang saad kaya hinayaan ko nalang siya. Mukhang masaya siya sa ginagawa niya, masaya siyang tumulong sa iba.

Idinampi-dampi niya ito sa aking noo na 'di ko namalayang basa na pala ng pawis, habang ako naman ay nagpupunas ng lamesa. Nako nakakahiya, pinupunasan pa talaga niya ako ng pawis eh waiter lang naman ako dito, bakit 'di nalang yung mga chef? Mas mainit yung pwesto nila sa loob kaysa sa 'min dito sa labas, kaya malamang ay mas pinagpapawisan na sila doon kaysa rito.

**********

"Okay guys, pwede na tayong umuwi. Mukhang maayos naman na 'tong shop. Goodbye, see you tomorrow," anunsyo sa lahat ni Zajmin. Mukhang maayos na nga ang lahat. Pumunta na kaming locker room para magpalit at kunin ang mga gamit namin.

Nang matapos ko nang ayusin ang mga gamit ko, lalabas na sana ako pero tinawag ako ni Zajmin.

"Yoshy!" tawag niya. Tumalikod naman ako't humarap sa kanya. Hindi ako sanay sa nickname na ibinigay niya pero hinayaan ko nalang. Tinanong ko nga noon kung bakit yun ang tawag niya sa 'kin, at ang sabi niya, 'Para mas unique, lahat nalang kasi sila Maiosh ang tawag sa 'yo dito o kaya Denz kaya Yoshy nalang, mas maganda pakinggan 'di ba?' Sumang-ayon nalang din ako sa tanong niya kahit na para sa akin, ay hindi magandang pakinggan.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon