Danedria's POV"Uhm." Lumunok ako at tumingin sa hawak niyang kamay ko. "'Yong kamay ko."
"Hmm?" He looked at me innocently and gave me a smile. Napa-irap ako. Nagmamaang-maangan lang ba siya o ano?
Inalis ko nang biglaan ang kamay ko sa pagkakahawak niya, "Kadiri ng kamay mo, humawak ka pa ng basura. Eww."
"Ah, pasensya na. Sasama nga pala ako sa 'yo ngayon."
Napamaang ako, "Huh? Bakit naman?"
"Naaalala mo pa ba na humingi ako ng pabor sa 'yo? Sinabi kong tulungan mo akong maalala ang iba sa nakaraan ko 'di ba?"
I raised my eyebrow at him, "Hindi ako um-oo 'no."
"Tumango ka. Ang pagtango ay isang sign ng pagtanggap."
"Yeah, tumango nga ako pero napipilitan lang naman."
Nagkibit siya ng balikat, "Tumango ka pa rin naman."
Inirapan ko siya, "Wala kang sense kausap."
"Sige na, sasamahan mo lang naman akong maglibot. Tapos, habang naglilibot, ikwento mo na rin ang mga nangyari noon."
Napakamot ako at tumango nalang din, "Okay, okay, pero nakalimutan ko na 'yong ibang mga nangyari."
"Okay lang. Hintayin mo ako dito ah, maghuhugas lang ako. Huwag na huwag kang aalis."
"Oo na!" sigaw ko sa inis. Ang kulit niya.
Naghintay lang ako saglit at lumabas na rin naman agad siya. Hawak niya 'yong bike na binili namin.
"Tara na," sabi niya at hinila na ako.
Iwinaksi ko 'yong kamay niya, "Bakit ba hawak ka ng hawak ng kamay?!"
Tinignan niya ang kamay niya at ikinuyom-kuyom iyon, "Hinahawakan mo rin naman ang kamay ko noon hindi ba?"
"Oo, pe-pero iba na ngayon! Hindi ka ba aware?!" Naghi-hysterical na ako dito pero siya ay kalma lang. Na-amnesia lang naman siya ah, hindi naman siya galing sa ibang planeta para hindi malaman ang magiging reaksyon ng isang babae kapag hinawakan ng lalaki ang kamay niya!
Ano ba ang mero'n sa kamay ko at palagi niya itong hinahawakan? Pero gusto ko ring batukan ang sarili dahil gano'n din naman ako noon, palagi ko siyang hinihila sa kamay.
Kinamot niya ang noo niya, "Oo na," sumusukong saad nito. Sumakay siya sa bike niya at saka lumingon sa 'kin, "Sakay."
"Magja-jogging nalang ako."
"Okay, bilisan mo ah. Saan pala papunta ang daan na 'to?"
"To the playground," I answered shortly.
"Sige, doon nalang kita hintayin," sabi niya at agad na nagpedal.
"Hoy!" sigaw ko pero nakalayo na siya. Walang hiya! Hindi man lang ako pinilit na sumakay. Siya na nga itong humihingi ng pabor, siya pa ang nang-iiwan. Nakakainis!
Tumakbo nalang ako nang mabilis hanggang sa nakarating na ako. Nakita kong nakatingin lang siya sa mga batang naglalaro sa playground.
Nang makalapit ako sa kanya, bigla siyang nagsalita. Eh? Hindi pa naman niya ako nakikita ah. At paano niya nalamang ako ang nasa likod niya?
"Naaalala ko na sa isang event tayo unang nagkita, pinatid mo nga ako eh. Doon naman sa park tayo naging magkaibigan," tukoy niya sa malumanay na boses at muling lumingon sa 'kin. Ngumiti siya, "Tara sa park. Sumakay ka na sa bike at baka mapagod ka pa ng husto."
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020