Chapter 42

17 0 0
                                    


Danedria's POV

Weekends are my favorite days every week, but I can't seem to like it today. Magtatanghali na nang nagising ako pero ayoko pang bumangon. Hanggang ngayon ay parang pagod pa rin ang isip ko.

Sana tinangay nalang din ng mga panaginip ko ang mga narinig ko kay Mom kahapon, sana madali nalang din iyong kalimutan. But I know, it won't happen. Maaalala at maaalala ko pa rin lahat kahit na anong gawin ko.

I don't want to face Dad today kaya hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa kwarto. Alam ko kasing wala silang trabaho every Sunday because they said that it's 'family day'. Hindi ko lang alam kung pagkatapos ng mga pangyayari ay mabubuo pa ang pamilya ko.

Napatigil lang ako mula sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto. Tumayo naman ako at pasuray-suray na naglakad patungo roon.

Napahinga ako ng maluwag nang isang maid ang bumungad sa akin. I thought it would be Dad pero napag-isip-isip ko rin na hindi pala siya pumupunta sa kwarto ko, ni-minsan ay hindi siya bumisita rito.

"Pagkain niyo po, ipinapadala ni Ma'am Ceth," sabi nito at inilahad ang tray ng pagkain.

Inabot ko naman kaagad ito dahil nararamdaman ko na ang pagkagutom, "Thanks."

Naisip siguro ni Mom kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako bumababa kaya pinadalhan niya na ako ng pagkain. I'm grateful for that though.

I just ate my meal alone and spend my whole day in my room. Ayoko pang lumabas dahil baka makasalubong ko pa si Dad, and I don't know how would I act infront of him. Baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya ng biglaan.

**********

"Dane, are you okay?" Almina suddenly asked, hindi ko napansin na turn na pala namin para bumili sa counter.

"Yeah, I'm okay," I said and smiled to assure them. Mukhang kanina pa sila dada ng dada pero heto ako at tulala.

"Kanina pa kasi namin napapansin na parang wala ka sa sarili mo," sabi naman ni Bleindy habang nakataas ang kilay.

I sighed, matamlay akong tumingin sa kanila, "Sasabihin ko nalang sa inyo sa ibang araw, hindi pa kasi ako ready na sabihin ngayon. I want to forget it even just for a while."

Marami pa ang bumabagabag sa isip ko pero natigil iyon nang bigla akong sinabunutan ni Almina.

"Ouch! What was that for?!" I shrieked and did the same to her. Ang sakit pa naman niyang manabunot.

"May sinasabi ka pang 'I just want to forget chuchu for a while' pero iniisip mo pa rin naman. Ang gaga mo talaga," sabi nito at pinaikutan pa ako ng mata. Aba!

"But I can't help it!" bulalas ko kaya nakatanggap naman ako ng batok mula sa dalawa pang bruha. "What?! Bakit ba kayo nananakit?!"

"Para ma-amnesia ka at makalimutan mo 'yang iniisip mo," sabi ni Bleindy.

"Yeah, why don't we go shopping later?" Caevy suggested that made the two nod, they looked at me afterwards.

"Uhm." I'm not really that sure, parang gusto ko kasi munang magpahinga.

"Come on, para sa 'yo rin ito, Dane. Para makalimot ka naman kahit papaano."

I really appreciate what they are doing, I know that they just wanted to help me. Puro man sila kalokohan minsan, they always had this sweet side of them which I really love from their traits. Kahit papaano ay gumaan naman ng kaunti ang pakiramdam ko ng dahil sa kanila. I'm very grateful that they are my friends.

I smiled at them and nodded, pumalakpak naman sila at nagplano na ng gagawin. Pero kahit ano namang plano nila ay sa shopping pa rin nauuwi.

And nag-order na rin kami kaagad sa counter dahil masyado na kaming natagalan dito, marami na ang naiinip pero hindi naman sila nagrereklamo. Takot lang nila sa amin.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon