Danedria's POVNapatayo ako nang bumukas ang pinto. Bumungad doon si Tito Fil at pumasok.
Nagtaka pa ako kung nasaan sina Tita Maion at ang isa pa niyang anak na si Meian. Pero hindi ko na iyon tinanong pa.
Yumuko ako ng bahagya, "Mauuna na ako Tito, tutal nandito ka na rin naman."
"Pwede ba kitang kausapin saglit?"
Napakurap ako. Ano bang nangyayari sa mundo at ang daming gustong kumausap sa 'kin ngayon? Pwedeng sa susunod nalang?
Bilang respeto, pinaunlakan ko ang gusto niyang mangyari. "Tungkol saan po ba?"
Ngumiti siya, "Bilang ikaw naman ang may kasalanan kung bakit muntikan nang mabangga ang anak ko, may pabor sana ako sa iyo."
Itinikom ko ang bibig ko. Gusto ko rin sanang sabihin na sila rin ang dahilan ng pagkamatay ng tatay ko pero nilunok ko nalang 'yon.
"Ano po ba 'yon?"
I gulped when he gets serious all of a sudden. Mukha siyang mangangain ng tao.
"Gusto ko lang na maging open minded ka sa mga nangyayari."
"Po?" Nagtaka ako sa sinabi niya. 'Yon na ba ang favor na tinutukoy niya?
"Alam ko na malaki ang naging kasalanan namin dahil nadamay kayo sa gulo namin. And we'll take all the blame for that. Hahayaan ko kayo sa gusto niyong mangyari, kami na ang iiwas kung ayaw niyo na kaming makita pa. We'll understand. All I want is for you to understand all the sides of the story, yun lang ang pabor ko, at sana pati sa iba ay maipaintindi mo rin ang mga ito."
Ngumiti siya, pero kabaliktaran ang nakikita ko sa kanyang mga mata, "Gusto mo bang bisitahin ang Tita Maion mo?"
"Nandito rin siya?"
Tumango ito at tumalikod. Wala na akong nagawa pa kung hindi ang sumunod sa kanya. Pumasok kami sa isang kwarto na mas malaki kaysa sa kwarto ni Denz.
Nagulat ako sa bumungad sa akin. Ang dating malakas at masiglang si Tita Maion ay nakahimlay ngayon at marami pang nakakabit na aparato rito. Namumutla ito at marami pang sugat sa katawan.
Nakita ko naman sa gilid si Meian, natutulog sa isang sofa. Mukhang pagod na pagod ito mula siguro sa pagbabantay.
"Bawat pamilya ay may kanya-kanyang problema. Masosolusyunan ito depende nalang siguro kung paano natin iha-handle ang isang sitwasyon."
Huminga nang malalim si Tito Fil at lumapit kay Tita Maion. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay nito.
"Sa sitwasyon namin, ako ang palaging nagdadala ng problema. Ako pa na haligi ng tahanan ang siyang nagdadala ng gulo sa sarili kong pamilya kaysa sa protektahan ang mga ito. Kung hindi dahil sa akin ay hindi siguro sila nahihirapan ngayon ng ganito."
Hindi ko man nakikita ang mukha niya ngayon, ramdam ko naman ang sakit sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
"Masakit pero kailangan kong maging matatag para sa kanila. Nagsisisi man pero nangyari na ang nangyari."
Wala akong ginawa kundi ang tahimik na makinig lamang sa kanya.
"Sa una palang ay dawit na ako sa mga masasamang gawain. Ang kinalabasan no'n ay naghihirap ngayon ang mga taong mahal ko pati na rin ang ibang tao. No'ng isang araw, kung kailan nangyari ang gulo, nakipaglaban kami sa isang masamang oraganisasyon. Sa araw na iyon ay maraming namatay, maraming nadamay, maraming nawalan, at isa na kayo roon. Kaya sana ay sa akin nalang kayo magalit, huwag na sa mga anak ko at kay Maion. Ako nalang ang sisihin niyo dahil wala naman silang kinalaman sa pinagmulan ng gulong ito."
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Genç KurguMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020