Chapter 6

49 5 0
                                    


Chapter Six-Prinalphacess

Danedria's POV

"Sana hinintay niyo nalang kami sa labas ng building para hindi na kayo nali—" huminto muna ako sa pagsasalita dahil may na-realize ako. "At paano pala kayo naligaw eh nasa likod lang naman ito ng building natin?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

"Eh kasi itong si Bleindy ang daldal-daldal. 'Di na namin namalayan na nandito na pala kami sa lugar na 'to. 'Di rin namin alam na nasa likod lang pala ito ng building natin." Si Caevy ang sumagot sa tanong ko at inirapan pa si Bleindy. Ito namang si Bleindy, ini-imitate yung sinabi ni Caevy pero yung kamay niya ang parang kausap niya.

"Eh kasi itong si Bleindy, nye nye, daldal, blah blah, chuchu." Ibinuka-buka niya pa ang kamay niya na parang nagsasalita. "Ouch!" ayan tuloy nabatukan ng 'di oras. Sira talaga kahit kailan.

"Eh bakit hindi man lang kayo nagtanong-tanong?" tanong naman ni Almina sa kanila.

"Ah, kasi nahihiya daw si Caevy kaya nahawa ako sa kanya, nahihiya na rin ako. Hehehe," sinamaan na naman siya ng tingin ni Caevy.

"Anong nahihiya? Wala akong sinabi 'no! At saka, wala ka namang hiya eh," sagot naman ni Caevy at binatukan na naman si Bleindy.

"Ouch! Tumigil ka na nga sa kababatok, quotang-quota ka na eh!" bulyaw nito. "Hayaan na nga lang natin, nakalimutan lang naming magtanong dahil sa taranta," dagdag pa ni Bleindy.

"Okay stop na guys, gutom na ako. Punta na tayong cafeteria, Danedria lead the way." Wow, inutusan pa 'ko nitong si Almina. Napaka-bossy talaga, 'di pa nga rin ako masyadong familiar dito eh.

"'Di pa nga rin ako familiar dito eh, but I saw most of the students walking in that way. Doon na siguro ang cafeteria," turo ko sa harapan ng building. Nagsimula na akong maglakad kaya sinundan na nila ako.

_______________________________________________________

Maiosh's POV

Pagkalabas ko kanina ng room, bumaba na agad ako papuntang cafeteria para bumili.

At nandito na ako ngayon sa cafeteria habang nakaupo.

Nakaupo nga lang sa sahig.

"Hey nerd, why so ugly? 'Di nababagay dito ang isang mahirap na tulad mo, yuck." Maarteng saad ng babaeng hindi ko kilala na mas bata ata sa 'kin. Sa paraan ng pakikitungo niya, parang hindi siya nakapag-aral ng good morals. Halos lahat ata ng nag-aaral dito ay may pagka-immature.

Nasa amin ang atensyon ng halos lahat ng estudyante dito sa cafeteria, pinagbubulung-bulungan din nila kami.

Nakita ko naman sa kabilang dulong mesa ang kapatid ko na nakatingin sa 'kin kasama ang mga kaibigan niya. Nakita kong nag-aalala siya sa akin na parang gusto akong tulungan. Ibinilin ko na sa kanya noon na kapag may nag-bully sa 'kin, huwag siyang lalapit at baka madamay pa siya kaya wala na siyang nagawa kundi panuorin nalang akong pahirapan ng iba.

Sa tagal ko nang nag-aaral dito ay hindi ko pa nasasabi kay mama ang ganitong mga pangyayari, ayaw ko kasi siyang mag-alala tsaka kaya ko na ang sarili ko.

"Hoy magsalita ka nga, pagkatapos mong buhusan ang damit ko, tatahimik ka na lang diyan?" Nakatingin lang ako ng diretso sa kanya habang nagsasalita siya. Humingi na ako ng tawad sa kanya kanina pero para siyang bingi. Hindi ko intensyong mabasa siya pero parang inaakusahan niya akong sinadya ko ang pagkabasa niya dahil sa sinabi niya.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon