Danedria's POVHah. Agaw pansin naman sila kuya, ang ingay-ingay tuloy. And yung mga kaibigan ko naman ay parang lintang binudburan ng asin dahil sa kilig. Pero gwapo rin kasi yung kasama ni kuya eh.
"Kuya—"
"'Di ko na pala kailangang maghanap, nandito ka lang pala."
Eh? Kuya Dan approached nerdy saka inakbayan. Eto na naman si kuya, sabi ko na nga ba at may gagawing kakaiba eh.
"Ano, kumusta ka na Denz? Rinig kong iniligtas mo raw ang kapatid ko kagabi ah."
Dahil sa sinabi ni kuya, natahimik ang mesa. Yung kasama naman ni kuya na gwapo eh umupo sa tabi nito. Nakikita ko rin siya minsan sa mga posts ni kuya sa FB.
Kung makipag-usap naman si kuya eh parang kilalang-kilala niya si nerdy.
"Okay lang naman," nerdy answered.
Kuya gave a sly smile. Ano na naman kayang naiisip nito?
Almina suddenly pinched my side, "Ouch." Sinamaan ko siya ng tingin, ang sakit no'n ah.
"Hey, do they know each other?" pabulong na tanong nito.
"Dunno," I shrugged. I don't know if they ever bumped into each other at school, kalilipat ko lang naman recently and my brother doesn't really want to tell something about school stuffs.
"Wait, what? Denz ang pangalan niya?" Bleindy blurted out loud. 'To talaga, bigla-bigla nalang kung magsalita, at malakas na boses pa ang ginamit. Hindi talaga maiiwasang sa kanya kami tumingin.
"Yeah, that's his second name," ako na ang sumagot. His name is not even a big deal, but lahat nalang napupuna ni Bleindy.
"Sows, yun naman pala eh. You should have told me na may pangalan ka ring 'Denz' para hindi na ako nahirapan pa kanina."
"Kuya, sino pala siya?" inginuso ko gamit ang bibig yung kasama ni kuya. Napapangiti nga ako pero pinipigilan ko lang. Why o why, bakit ang gwapo niya?
"Ahh, si Xanderlim nga pala, bestfriend ko."
Xanderlim smiled, pati pangalan gwapo rin. Pero parang nakita ko na siya personally somewhere, 'di ko lang maalala kung saan.
"Just call me Xander para mas madali."
"Dandrei nga pala, kapatid ni Dane," kuya only smiled at my friends and didn't bother to take his hand from nerdy para makipag-shake hands. For him kasi, masyadong formal ang ganoong gesture.
"And, ano nga pala mga pangalan ninyo?" Xander asked.
"Bleindy/Almina," magkasabay na pakilala ng dalawang bruha tsaka nag-uunahang makipag-shake hands sa nakalahad na kamay ni Xander. Eto talagang mga 'to, basta gwapo ang bilis kumilos.
"Nice to meet you," naiilang na sabi nito. "Ikaw?" tukoy niya kay Caevy.
"Caevy," maikling saad ng gaga tsaka nag-iwas ng tingin. If I know, kinikilig din 'yan sa loob-loob niya.
Sasabihin ko na rin sana ang pangalan ko pero tumingin siya sa 'kin nang nakataas ang kilay. Okay? What's with that look? Parang may ginawa akong mali sa tingin niyang iyon.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020