Chapter 44

22 1 0
                                    


Maiosh Denz's POV

Umaga na't nagising ako ng maaga. Inaantok pa ako, gusto ko pa sanang matulog pero may pasok pa ngayon. Kagabi ay hindi ako madatnan ng antok kaya kulang ako sa tulog.

Tumingin ako sa labas ng bintana, hanggang ngayon pala ay umuulan pa rin. Hindi na ito masyadong malakas 'di gaya kagabi.

Bumangon na ako, naghilamos, at pupunta na sana sa kusina nang mapatingin ako sa pinto sa tapat ng kwarto ko. Nagdadalawang isip pa ako kung kakatok ba ako o hindi, mamaya nalang siguro dahil baka tulog pa iyon. Sana hindi na siya mainit ngayon.

Bumaba ako para sana maghanda ng agahan nang madatnan ko sina Mama at Meian na nandoon na. May mga pagkaing nakahain na rin sa mesa.

"Bakit ang aga niyo naman ata ngayon? Hindi ba't ako dapat ang magluluto, Ma?" tanong ko at umupo sa tabi ni Meian.

"We should be asking the same, Maiosh. Wala kayang pasok ngayon, duh!" Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko dahil pinagmamalditahan niya na naman ako. Edi siya na ang nakakaalam na walang pasok.

"Eh sa hindi ko nga alam," depensa ko sa sarili.

"Uso magbukas ng social media, Kuya. Kapag wala kami, baka para ka nang tanga na mag-isang pumasok," sabi niya't inirapan pa ako. Pinapairal na naman nito ang pangit niyang ugali.

"Oo na, pero bakit nga ang aga niyo ngayon?"

"We're going to the agency," simpleng sagot ng kapatid ko na kumikinang pa ang mga mata, mukhang excited.

Kaya pala nakapang-alis na silang dalawa, ngayon ko lang napansin. At saka bakit ang aga ng kapatid kong magising ngayong sa agency sila pupunta? Kapag naman sa school ay ginigising ko pa at pinipilit na pumasok? Ano ba ang mero'n sa agency na at parang gustong-gusto ng kapatid kong pumunta roon?

"Pwede bang sumama? Gusto ko ring makita 'yang agency na sinasabi niyo."

Sa ipinapakita ni Meian, parang gusto ko na rin tuloy pumunta do'n.

"Hay nako Kuya, hindi pwede ang lalaki doon."

"Huh? Hindi rin pwedeng pumasok? Akala ko ay sa pagsali lang ang hindi pwede, ang pagbisita rin pala."

"Yeah, we can't do something about that, it's the agency's protocol," singit ni Mama sa usapan at inilapag ang chicken soup sa mesa.

Napabuntong hininga ako, "Gano'n ba? Gusto ko rin sanang sumama."

"Hindi nga pwede, ang kulit. Besides, hindi mo naman pwedeng iwan 'yong bisita mo nang mag-isa 'no." Tinaasan niya ako ng kilay at ngumiti na naman ng pang-asar. Heto na naman 'tong bubwit na 'to, magsisimula na naman. Aish.

"Tigil-tigilan mo nga ako Meian," naiinis ko nang turan. Baka kung ano-ano na naman ang sabihin nito na magpapagulo na naman sa isip ko. Ayoko na munang mag-isip sa ngayon.

"Tigilan niyo na nga 'yan, kumain na kayo, 'wag paghintayin ang pagkain," sita ni Mama  sa amin na umiiling-iling pa.

Magsasandok na sana ako ng pagkain nang may kamay na pumigil sa 'kin. Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko, "Ano na naman ba?!"

"Hindi ba kayo magsasabay kumain ni future sister-in-law?" asar na naman nito na may kasama pang pag-ngisi. Mas sinamaan ko siya ng tingin pero mukhang wala iyong epekto sa kanya. Binelatan pa ako ng bubwit.

Haay, ano ba 'to?! Bakit naging ganito ang kapatid ko?!

Kumain nalang ako at hindi na pinansin pa ang pang-aasar niya. Tinitimpi ko nalang ang inis ko hanggang sa matapos na kami sa pagkain.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon