Chapter 54

24 1 0
                                        


Almina's POV

I just finished ordering my food when I spotted Eera not far away from the counter. May kausap itong lalaki na iba ang style sa suot naming uniporme. Seems like he's a college student.

Naglakad ako palapit sa kanila. Not that I'm abandoning my friends or whatsoever, wala lang talaga akong kasama ngayon dito sa cafeteria. Nagpaiwan sila sa building dahil may kanya-kanya silang problema.

I understand Dane's situation about her Dad that's why we are giving her some space. Si Caevy naman ay broken hearted, mukhang sumuko na kasi si Jasen sa kanya, but it's her fault dahil siya naman ang nagtataboy dito, tapos ngayon naman ay nag-eemote-emote siya doon. Haay.

As for Bleindy, hindi ko alam kung ano ang trip no'n. Nakikitulad sa dalawa. But I know too well that she had worst. Marami na siyang pinagdaanan, but it's not my story to tell. I could just say na wala pa sa kalingkingan no'n ang mga pinagdaraanan namin ngayon.

I do not even know how she's coping up everyday despite of what happened to her. Knowing her, palagi siyang masaya, nakangiti, at nagtatanga-tangahan. Even us, her friends, could not comprehend what she's thinking. Siguro ay kinakalimutan niya ang lahat sa pamamagitan lamang ng pagiging masaya. I think it's her way of escape.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga kaibigan ko, ako nalang yata ang natitirang matino.

"... we could be partners when I take over our company. I'll invest in your business and you'll do the same to mine."

"Deal! Ipapamukha ko talaga sa mga magulang ko kung ano ang sinayang nila. Hmp!"

"Kung kaya mo."

"Huwag mo akong maliitin! I can—"

"Hi~" Lumingon silang dalawa sa akin. Mukhang may importante silang pinag-uusapan pero mukhang naistorbo ko sila. Ngumiti ako, "Did I interrupt you two?"

"Yes."

"Not really."

Sabay silang nagsalita na may magkasalungat na sagot. Seems like I'm not welcome because of this college guy here. Nakataas pa ang kilay niya sa akin at mukhang kinikilatis ako.

I am not bothered by his stares and just sat beside Eera. Inilapag ko rin ang tray ng pagkain ko sa mesa nila.

"What are you two talking about? I think I've just heard about investment or something. What about it?" I asked and took a sip from my ice tea. So refreshing.

"Right! 'Di ba ABM student ka rin?" tanong niya na mukhang excited. Ngayon ko lang siya nakita na ganito dahil palagi siyang bugnutin at parang tambay kung kumilos.

"Ah-huh?"

Sinimulan ko nang kainin ang carbonara ko habang nakikinig sa kanya.

"What course would you like to take in the future?" tanong niya na nakapagpatigil sa akin.

The fact is, I do not really have something in mind.

"I... I don't know," I said, barely audible. The thought of having no dream makes me a bit down.

"As of now, you should already have one," singit nung lalaki kaya napatingin ako sa kanya. "Nasa senior high ka na, and you already have chosen a strand. Hindi pwede na hindi mo pa rin alam ang kukunin mo kapag magka-college ka na. In fact, mas mahihirapan ka kung ang kursong kukunin mo ay hindi mo gusto o wala kang interest doon. There's a high possibility that you'll fail."

"Base on experience ba 'yan?" pabirong saad ni Eera dito.

He shrugged, "Yeah, maybe. But in my case, I do strive hard so that I won't become a failure and be an embarrassment to our clan. Also, I am starting to love and enjoy being a business major student. Pero sa iba, may tendency na nawawalan sila ng gana sa kurso na hindi nakapaloob sa interest nila, and most of them fail in their field. Kaya ang advice ko lang sa iyo, habang maaga pa, ay mag-isip ka na ng mabuti kung ano ang pipiliin mong kurso."

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon