Maiosh Denz's POV"Uy pre, sino ba 'yang hinihintay mo? Kanina ka pa palinga-linga diyan ah," tanong ni Rey na isa sa mga katrabaho ko.
"Wala," sagot ko sa kanya. Ala-una kinse na, wala pa rin si Danedria. Babae nga naman, ang tagal mag-ayos. Hindi pa dumadating sa tamang oras. Mabuti nalang at hindi pa ako nagpapaalam na magbe-break.
"Wooshoo, anong wala? Halata ka masyado eh," umiling siya at itinuloy na ang trabaho. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at ipinagpatuloy nalang din ang ginagawa.
Natigil lang ako nang mag-vibrate ang phone ko. Tumawag na rin siya sa wakas. Sinagot ko ito, tinanong niya lang kung nasaan ako. Siguro malapit-lapit na siyang dumating.
Pagkalipas ng ilang minuto, nag-text naman siya.
1 message received
____________________
From: Danedria WilthonNandito na ako
____________________Tinawag ko si Rey para mag-sub sana sa akin dito sa counter pero tinanggihan lang ako.
"Bakit ako? Iba nalang, nakakatamad diyan sa counter eh."
Oo nga naman, bakit ko pa nga ba tinanong itong si Rey na gustong-gusto naman ang makihalubilo sa iba.
"Haay, ang dami-dami talagang pumupunta na magagandang babae dito 'no? Ako siguro ang dahilan, ang gwapo ko kasi."
Napailing nalang ako sa kahanginan nitong si Rey. Kung ano-ano talaga ang sinasabi nitong kababalaghan. Siguro may itsura rin siya pero siya lang talaga ang nakakakita.
Tsk. Naisip ko pa talagang manlait, ako rin naman, walang kaitsu-itsura.
Nagtawag nalang ako ng iba na magsa-sub sa akin, pagkatapos ay hinanap ko na si Danedria.
Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil halata namang sa pink side siya ng restaurant uupo. Lalapit na sana ako sa kanya nang may tumawag sa akin.
"Hi kuya!"
Napalingon ako sa grupo ng mga kababaihan na kumakaway sa akin. Nag-bow lang ako at nginitian sila para hindi nila sabihi na walang respeto ang mga nagtatrabaho dito.
Napansin ko ang pagtingin-tingin niya sa mga nagse-serve ng pagkain kaya tinanong ko kung kumain na siya. At sinabi ba namang oo, pero ang dami namang in-order. Tsk, hindi nalang sabihing hindi pa kumakain eh.
Bumalik ako sa counter para sabihin ang order ni Danedria at pati na rin ang akin. Gutom na rin kasi ako.
Pupuntahan ko na sana si manager nang bigla akong harangan ni Rey. Ano na naman kayang kailangan nito?
"Sino yun pre? Girlfriend mo? Ang ganda, swerte mo naman," nakangiti at naka-kagat labi niyang saad.
"Hindi ko siya girlfriend," umiiling na sagot ko. Napansin ko ang paglawak ng ngiti niya, mukhang alam ko na ang iniisip nito ah.
"Uy, ipakilala mo naman ako oh. Alam mo ba, pagkapasok palang niya dito eh hindi na maalis ang tingin ko sa kanya. Ang simple-simple niya. Na-love at first sight na ata ako pre."
Ano raw? Love at first sight? Tsk.
Bumuntong-hininga ako at umiling, "Off limits siya Rey." Hindi ko alam pero bigla na lamang iyon lumabas sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020