Danedria's POVI did not really expect that this is going to happen. Akala ko ang pambababae na ni Dad ang pinakamalala at pinakamasakit, hindi pa pala. Mas masakit pala ang tuluyan niyang pagkawala sa amin.
Inaamin ko na gusto ko siyang makarma sa pagpapasakit niya sa amin, but not in this way. Noong buhay pa siya, nasasaktan na kami, tapos ngayon namang wala na siya, gano'n pa rin naman. Mas malala nga lang ngayon.
Iniuwi na namin sa bahay si Dad ngayon. Ito palang ang unang araw ng burol niya pero marami nang dumalaw. Karamihan ay mga katrabaho at business partners niya.
Masakit para sa amin ni Kuya ang nangyari, pero alam kong mas masakit ito para kay Mom. I know that she loves Dad so much.
Magmula nang nasa hospital pa kami ay hindi pa nito nilulubayan si Dad. Puyat na puyat ito at hindi pa natutulog ni isang segundo.
And now, she's just staring nonstop at the coffin and not doing anything.
Tatawagin ko na sana siya at sasabihing magpahinga nang umalis siya at umakyat sa hagdan.
Hinayaan ko na muna siya dahil baka naisipan na niyang magpahinga.
Lumapit ako sa kabaong at tinitigan ang mukha ni Dad. Naiiyak na naman ako sa nangyari.
Ang sakit isipin na sa harapan ko pa mismo namatay ang tatay ko. Dalawa lang kami ni Mom na nasa kusina dahil nakikipaglaban sina Denz at Kuya sa sala. Hindi namin alam, pero bigla na lamang humarang si Dad kay Mom.
Hindi namin napansin na nabaril na pala siya that time. Kung hindi niya sinalo ang bala, si Mommy ang matatamaan.
Narinig ko pa ang sinabi niya bago siya nawalan ng malay.
"S-Sorry, sana mapatawad niyo a-ako sa mga nagawa ko," sabi niya at ngumiti habang may luhang pumapatak sa mga mata niya.
"Hu-Huwag ka nang magsalita. Just save your energy, hon."
Pumikit ako nang mariin at huminga ng malalim. Pinahid ko rin ang mga luha sa pisngi ko. I have to stay strong, I have to accept it. What's done is done at wala na akong magagawa pa.
Umakyat ako sa hagdan at pumunta sa kwarto. I'm exhausted. Ang gusto ko na lamang gawin buong magdamag ay ang matulog.
Pero bago ako makapasok sa kwarto ko ay may narinig akong ingay galing sa kwarro nina Mommy. Hindi ko na sana iyon papansinin pero masama ang kutob.
Dahan-dahan akong naglakad papunta roon. Siniguro kong hindi ako makakagawa ng kahit na ano'ng ingay.
Pagsilip ko naman sa siwang ng pinto ay nanlaki ang mga mata ko sa gulat at agad na pumasok. Kumabog ng mabilis ang puso ko at nanlamig ang mga kamay ko.
"Mom! What are you doing?!"
I pulled Mom away from the noose she was holding.
Nakatapak siya sa isang upuan at nakakabit ang tali sa isang hook na nasa kisame.
Nang madatnan ko siya ay naka-ready na ang pagpasok ng ulo nito sa tali. Kung hindi ko siya nakita ay baka natuloy na ang pagpapakamatay nito.
"Bitawan mo ako!" Itinutulak niya ako palayo pero hindi ko siya hinayaan. "Wala na rin namang saysay ang buhay ko dahil wala na siya eh."
Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay para mapigilan siya kung itutuloy niya man ang gagawin niya. "Mom, get a hold from yourself. Paano naman kaming mga anak mo?! Iiwan mo rin kagaya ng ginawa ni Dad?! Huwag mo naman sanang sayangin ang buhay mo. Please stop it, iniligtas ka nga ni Daddy para mabuhay eh."
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Novela JuvenilMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020