Maiosh's POVNako ako na ang magpapakilala. Kinakabahan na ako ng sobra. Pero hindi ko nalang pinahalata ang panginginig ng kamay ko at naglakas loob na tumayo para pumunta sa harapan.
Nakatingin naman silang lahat sa akin kaya huminga ako ng malalim at pilit na pinaseryoso ang mukha ko.
"I'm M-Maiosh Denz Danger. 16 y-years old." Flat ang tono ng pananalita ko para hindi mahalatang kinakabahan ako at nauutal. Pansin kong nakatingin pa rin sila sa akin kaya bumalik na ako sa upuan ko.
Pagkaupo ko palang, nagsimula na namang magbulungan ang iba tungkol sa akin.
"Ang seryoso naman niya."
"Cool naman ng name niya, eh yung personality?"
"Parang namumukhaan ko siya ah."
"Oo nga 'no? Siya yung nerd na palaging binu-bully dati."
"'Di nya bagay magseryoso, pangit naman niya. Yuck."
Nagtawanan pa sila pagkatapos nung huling nagsalita. Ano ba naman yung mga pinagbubulong nila, kung sila kaya insultuhin ko? Palagi nalang nila akong pinapahiya sa mga taong nakapaligid sa akin. Haaay.
"Hey stop that class! Ganyan ba ang itinuro sa inyo ng pass teachers niyo sa junior high at ganyan yang mga ugali ninyo?" bulyaw sa kanila ni Miss Jedy kaya tumahimik na sila.
Sana hindi ako mahirapan sa school year na 'to. Ang dami ko pa namang hindi kilala dito. Sana kahit yung iba lang ay mature nang mag-isip at hindi panay kalokohan ang alam.
Pero parang malabong mangyari iyon.
Ang dami ko na kasing pinagdaanan noong junior high palang ako at alam iyon ng mga kaklase ko noon.
Ayun nga at nagtuluy-tuloy na nga ang pagpapakilala namin sa sumunod pa naming subjects hanggang sa mag recess na.
Lumabas na ang iba kong mga classmates, may circle of friends agad sila. Napatingin naman ako sa katabi ko na tumayo na at lumabas nang mag-isa.
Pupunta nalang muna ako kay Meian at sasabihin ko ang nalaman ko para hindi na siya manggulo pa. Sinuot ko na ang cap na palagi kong suot at lumabas na.
Pero pagkalabas ko, ang daming estudyanteng nagkukumpulan sa hallway. Nakita ko naman si Danedria na nasa gitna, dinudumog.
"Hello Dane!"
"I'm Dennice, nice to meet you!"
"Georgia here!"
"Pwede ba tayong maging friends?"
Nakikita kong pilit siyang ngumingiti kahit naiinis na siya. Nababasa ko sa mga mata niya ang pagkainis. Pilit siyang kumakawala at lumalayo pero sadyang maraming nakaharang sa kanya kaya hindi siya makaalis.
Narinig kong may sumigaw kaya napalingon ako doon.
"Hey! Tumigil nga kayo! Lumayo nga kayo sa kapatid ko at baka atakihin siya ng hika niya! Lagot kayo sa akin kung may mangyaring masama sa kanya!"
Lumingon rin yung iba at nakita ko nga ang kuya niyang galit at nanlilisik ang mga matang tumingin sa mga nandumog kay Danedria.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020