Danedria's POVHindi ko na maalala kung saan-saan kami dumaan. Ang alam ko lang ay bumaba kami ng kaunti sa bundok kung nasaan ang resort.
And right now, we are here, in the middle of the forest. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta dahil ayaw niya namang sabihin. O baka naman naliligaw na kami, pero hindi niya lang sinasabi.
"Could you please just tell me where are we going?"
"Sa pinakapuso ng gubat na ito," sagot niya habang patuloy pa rin sa paglalakad.
"Huh?" Nalito ako sa sinabi niya. Parehas sila ng tatay niyang malalim kung magsalita.
Nagpatuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa may marinig ako.
Mas binilisan ko ang lakad at humawak sa damit ni Denz. Nauuna kasi siya. Ang bilis niyang maglakad.
"A-Ano 'yon?" tanong ko, may panginginig ang boses.
Lumingon siya at ngumiti, "Ibig sabihin lang no'n ay malapit na tayo."
"Gusto ko nang bumalik," pamimilit ko ulit. Medyo natatakot na rin kasi ako. Ang dilim-dilim tsaka ang ingay pa ng mga hayop na nadaraanan namin dito. Nakakarindi.
Baka may bigla nalang bumulaga sa aming ahas dito, o kung ano mang mga mapapanganib na hayop. Kahit naman danger free ang lugar na ito ay nararapat pa ring maging handa sa kung ano mang delubyo.
"Ngayon pa ba tayo babalik? Malapit na tayo."
Tumahimik nalang ako at sumunod. Alam ko namang hindi niya ako ipapahamak at pababayaan.
Palapit kami nang palapit sa tunog na kanina ko pa naririnig. When we came nearer, that's when I realized where we are heading.
Itinulak niya lang ang isang sanga kaya't nakita na namin ang kabuoan ng talon.
Ang ganda.
Akala ko ang flower field na ang pinakamagandang lugar na makikita ko rito, mero'n pa palang mas maganda.
Kahit na gabi ay makikita pa rin ang linaw ng tubig. Ang liwanag. Nagre-reflect ang liwanag ng buwan sa tubig kaya para itong mga diyamante na nagkikislapan sa gitna ng dilim.
Nawala lang ako sa pagkamangha nang hinawakan niya bigla ang kamay ko at pinisil.
Naging tambol naman bigla ang puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok nito. Tinignan ko siya. Nakita kong nakapikit siya na parang dinarama ang init na ibinibigay ng kamay ko. Pero feeling ko ay malamig naman ang kamay ko ngayon.
"Uhm."
Nagmulat siya at tumingin nang diretso sa mga mata ko. He smiled sheepishly.
"Happy birthday." Malumanay at mahina ang pagbanggit niya no'n pero malaki ang naging epekto nito sa akin.
Birthday ko na pala, hindi ko man lang naalala dahil sa dami ng iniisip ko. At hindi ko rin inaakalang alam niya kung kailan ang kaarawan ko.
Ngumiti ako nang matamis sa kanya, "Thanks."
'Yon lang ang nabanggit ko dahil hindi ko na alam pa ang sasabihin ko. Masyado akong na-overwhelm. Kahit na sa ganito kasimpleng bagay lang ay masaya na ako.
"Gusto mong maligo?" biglaan niyang tanong.
"H-Huh? Ayoko! Ang lamig kaya!"
"Okay." He shrugged. Nilapag niya ang jacket, pitaka, at cellphone niya sa lupa.
"Don't tell me na maliligo ka."
"Maliligo nga ako. First time ko 'to kaya gusto kong i-take ang oppurtunity. Minsan lang naman ako makapagbakasyon."
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Genç KurguMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020