Danedria's POVToday is Sunday, I went out to jog at para na rin malibot ko ang buong village namin. Baka marami na rin ang nagbago dito't 'di man lang nila ako in-update. Naalala kong meron pala akong asthma. Pero buti nalang mild lang, kaya okay pa rin akong mag-jogging.
Tinamad nga akong gumising ng maaga kanina pero palagi kong iniisip na kailangan ko ito. Inilagay ko talaga sa isipan ko na baka tumaba ako ng biglaan dahil sa dami ng kinain ko kahapon. Siyempre ayokong mangyari 'yon kaya inalog-alog ko ang sarili ko para hindi na bumalik pa sa higaan ko.
Inikot ko lang ang buong village hanggang sa mapadaan ako sa playground. I used to play here when I was a kid bago pa ako pumunta ng London. I remember playing here with someone, but I forgot his real name. I'm just calling him 'Zy' and him calling me 'Ny'.
Umupo muna ako sa swing at nagmuni-muni. Nothing have changed here, ito pa rin yung arrangement ng palaruan noon. Parang pininturahan lang nila kaya nagmukhang bago ulit at inayos ng kaunti.
Haaay, nasaan na kaya siya? Hindi ko alam kung nasaan na siya mula no'ng nawala nalang siya bigla na parang bula. Hindi na rin siya pumupunta dito sa playground at sa park na palagi naming pinupuntahan dito rin sa village namin. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Hindi ko alam kung saan sila lumipat ng bahay, wala na akong balita sa kanya hanggang sa lumipat na rin ako papuntang London.
Nakapunta na ako sa bahay nila noon pero nung pumunta ulit ako, wala na daw nakatira doon. Hindi na rin ako pinayagan nila mommy kasi medyo malayo sa amin ang bahay nila, magkakalayo-layo kasi ang mga bahay dito sa village. At tsaka, dito lang naman kami sa playground at sa park nagkikita at naglalaro noon.
Nami-miss ko naman siya, pero slight lang. Not to mention na naging crush ko siya dati. Take note, dati.
Tumayo na ako at nagsimulang tumakbo ulit. I took a last glance at the playground before jogging away. Mami-miss ko ang pagiging bata.
Umuwi na ako ng bahay bago mag-alas siyete, basang-basa na ako ng pawis. Pumasok na ako at pumunta sa kwarto ko para mag-shower. Ang lagkit-lagkit ko na.
After taking a bath, I went out of my room and went to the kitchen. Nadatnan ko si Mommy na naghahanda ng pagkain.
"Good morning Mom," bati ko at hinalikan siya sa pisngi. "Why you're the one who's doing that, Mom? Pwede mo namang ipagawa nalang 'yan sa mga maids natin." Ano naman kasing silbi ng mga maids kung hindi sila ang gagawa ng mga trabaho dito 'di ba?
"Ngayon lang ang free time ko Dane, so let me do what a mother usually does. Tsaka tuwing Sunday lang tayo nagiging kumpleto." Nakakapanibago talaga ang mga tao dito sa bahay simula nang umuwi ako. Dad is giving me all I want, mom is sweeter than the usual, the maids became quiet and kuya—his the only exception, walang nagbago sa kanya, he's so childish kahit noon pa man.
"Good morning Mom, good moring baby sis." Oh, speaking of the childish. "Anong breakfast?" tanong nito kay mommy.
"Pancakes~" Mom said happily.
"Good morning." 'Di kalaunan ay dumating na din si Dad na humihikab pa.
"Good morning din hon, here, have a sit." Pinaupo ni mom si dad sa tabi niya. "Anong gusto mo? Gusto mo bang ipagtimpla kita ng juice, hot choco, or coffee?" Parang bini-baby naman ni mom si dad.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020