Chapter 39

14 0 0
                                    


Danedria's POV

"Okay, let's start. Seems like all of you are here," said Madam Zia and smiled.

We arrived just in time because kuya knew where to go. Dito rin daw kasi sila nag-shoot last year. Mabuti nalang at alam niya, kung hindi, baka na-late na kami ng tuluyan.

Ang kompanya ni Madam Zia ay napakasopistikada. Pagpasok palang namin sa building ay makikita na ang mga portraits ng mga modelo. Ang iba ay namumukhaan at kilala ko dahil sikat na ang mga ito.

It was a sight that filled us with awe.

Sa room naman na pinasukan namin ay puno ng cameras at mga ilaw. Naka-ready na ang lahat pati na rin ang mga taong mag-aayos sa amin.

It was a dream come true. It's one of my bucket list na gagawin ko sana sa London pero hindi natuloy. Pero satisfied na rin ako dito kahit na hindi sa London gaganapin. I get to experience being a model for once.

Inayusan lang kaming lahat and by rank daw ang magiging sequence ng photoshoot. So kami ni Xander ang pangalawang kukunan.

Nauna na sina kuya nang tinawag na sila. Ang kanilang mga suot ay mga branded na tela sa sikat ding clothing line. Mga mukha talaga silang modelo sa outfit nila ngayon.

Nagbabangayan sila kaninang dalawa ngunit ngayon ay para na silang professional model sa kanilang ikinikilos. Mukhang sanay na sanay na sila kung ano ang gagawing pose sa camera. Ang galing nila, para silang magkasintahan na sweet na sweet sa isa't isa.

Ang huling pose nina kuya ay magkayakap silang dalawa. Nakayakap ang dalawang kamay ni Eera sa batok nito habang nakayakap naman si kuya sa bewang ng kapareha, pareho silang ngumiti sa camera.

Kahit na naiinis ako sa Eera girl na 'to, hindi ko naman maikakailang maganda ito. Kumikilos itong parang babaeng babae sa harap ng camera, pero kapag wala na iyon ay nagkukumilos naman ito na parang siga. Nakakaloka rin ang isang 'to.

Pagkatapos ng photoshoot nina kuya ay humiwalay na sila sa isa't isa na parang diring-diri. Wow talaga, ang galing din nilang umarte.

"Xanderlim and Danedria, kayo na ang susunod," tawag ng isang babaeng maikli ang buhok habang hawak ang listahan. Tumayo na rin kami at pumunta sa gitna.

Simple lang ang suot naming dalawa, terno din kami. Skinny jeans, v-neck shirt na kulay white, at maong na coat. May accessories din kaming suot na bumabagay sa outfit namin.

"Ready?" nakangiting tanong ni Xander. Ngumiti rin naman ako pabalik at tumango.

Habang nakatitig kay Xander, hindi ko rin maipagkakailang malakas ang dating nito gaya ng kakambal niya. Maganda ang pagkakakurba ng mukha niya at maganda ang pangangatawan. Nakataas ang buhok nito at mukhang bad boy pero mabait naman ito 'di kagaya ng kapatid niyang may kaangasan. Para ngang nagkabaliktad sila ng ugali sa iniaasta nila eh.

Napabalik lang ako mula sa pag-iisip nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Nagka-crush ako sa kanya noong una dahil gwapo ito pero ngayon ay kakaunti nalang siguro.

"Ayos ka lang ba? Ang lamig ng kamay mo." Napakurap ako sa sinabi niya, inalis ko agad ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"I'm okay, medyo kinakabahan lang ako," sabi ko at iniwas ang tingin.

"Magsisimula na, sigurado ka bang kaya mo?"

Ngumiti ako ng tipid sa kanya, "Yeah, I can do it."

"You two, let's start. Danedria, isandal mo ang isang braso mo sa balikat ni Xandelim. Ikaw naman Xanderlim ay hawakan mo ang bewang niya. Pagkatapos no'n ay mag-pose lang kayo ng kahit anong gusto niyong pose. Okay?"

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon