Jasen Twa's POVNgumiti ako pabalik sa mga taong bumabati sa akin. Hindi kasi nila maatim na lagpasan ang isang kagaya ko na kasingkisig ni Zeus na tinitingala ng mga kababaihan.
Pero kahit na maraming magagandang babae ang nakapalibot sa akin ay loyal naman ako sa taong minamahal ko.
Miss ko na nga siya dahil isang buwan na siyang lumipad pabalik sa London.
Hindi rin kami masyadong nakakapag-usap dahil medyo busy raw siya sa training. Kung pwede na ako nalang ang gumawa no'n para sa kanya ay ginawa ko na, pero hindi naman business ang course ko, kundi architecture.
Dali-dali kong inilabas ang cellphone ko sa bulsa nang tumunog ito. Baka si Caevy na ang tumawag.
Sinagot ko kaagad dahil siya nga.
"Hello?" bati ko at napangiti. Umupo na muna ako sa bench sa tapat ng college building namin.
"Good morning!"
"Good afternoon!" bati ko pabalik na marahan niyang ikinatawa.
7 hours kasi ang agwat ng oras sa London. Mag-aala-una na dito kaya malapit na sigurong mag-six doon.
"Kumain ka na?" tanong ko.
"Not yet. Nape-prepare pa lang ako ng breakfast." Narinig ko ang mga kalansing sa kabilang linya. Magluluto na siguro.
"Hindi ba pwedeng ipagawa mo na lang 'yan sa mga maids?"
"I can manage. Hindi naman pwedeng maging dependent na lang ako palagi. I also want to learn some simple things 'no."
"Kahit naman nagpa-practice ka nang maging asawa ko ay ayaw ko pa rin namang napapagod ka," sabi ko na may himig ng panunukso.
"Baliw! Tumigil ka nga!"
Natawa ako dahil na-iimagine ko na namumula siya ngayon. God knows how much I miss this girl.
"Pero seryoso, huwag mong papagurin ang sarili mo, okay? Kung pwede ay ipagawa mo na lang sa maids ang trabaho nila, huwag mo nang dagdagan ng stress ang sarili mo. May training ka na nga, tapos gagawa ka pa ng gawaing bahay."
"Opo, Papa," sabi niya nang natatawa.
Madalas niya na akong tawaging ganyan dahil palagi ko siyang pinapangaralan. Gusto ko lang din kasing maging healthy siya palagi at huwag stress-in ang sarili.
Napatigil ako nang marinig ang bell hudyat na mag-aala-una na.
"Time na, may klase ka na 'di ba?"
"Yup! Huwag magpapagutom, okay?"
"Kakain na nga ng breakfast eh."
"Vc later?"
"Okay." Nagpaalam na kami sa isa't isa at pumasok na ako sa klase.
Bawat klase ko ay nakikinig ako ng maigi. Gusto ko rin kasing gawin ang best ko kagaya ni Caevy na ginagawa ang best niya sa kanyang training. Gusto ko na maipagmalaki niya ako balang araw.
"Okay ka lang?" malumanay kong tanong habang nagvi-video call kami. Mukha kasing pagod ang mga mata niya at matamlay ang mukha niya.
"Yeah," sagot niya at pumalumbaba sa mesa.
"It's your lunch time 'di ba? Kumain ka na?"
"Hmm." Mukhang pagod talaga siya na pati ang pagsasalita ay hindi niya na makaya.
"Do you want me to go there and hug you?" tanong ko na nakakuha ng atensyon niya.
Ilang segundo siyang napatitig at napakurap, "Okay lang ako, 'wag kang mag-alala."
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Fiksi RemajaMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020