Maiosh Denz's POV
Nakikipagkuwentuhan ako sa mga katrabaho ko noon nang biglang bumukas ang pintuan. Natahimik ang lahat dahil sa dalawang taong pumasok nang hindi man lang kumakatok.
"Bro, happy birthday!" sigaw nilang dalawa at tinapik ako sa balikat.
Grand entrance ang dalawang 'to. May sinuot pang party hat ang dalawa. Ang kukulit nila.
"Waaahh, Xander at Dandrei!" rinig kong impit na tili ng mga kasamahan ng kapatid ko. Si Meian naman ay natulala pa, mukhang tutulo pa ang laway.
Mukhang napansin sila ng dalawang kadarating lang kaya ngumiti sila sa mga ito. At ang resulta, kinikilig-kilig na sila doon. Tsk. Para silang mga bulate na hindi mapakali.
Kumain lang kami, nagkasiyahan, nag-videoke, at kumuha ng maraming litrato. Kahit na simple lang ang salo-salong ito, maganda naman ang kinalabasan.
Natapos ang buong araw na 'to na puno ng saya at tawanan. Ngayon ko lang naranasan ang ganito, itong maraming tao sa bahay at nagkakasiyahan. Noon kasi ay iba, parang pangkaraniwang araw lang ang birthday ko, pero ngayon ay kakaiba, pinasaya talaga ako nito at ng mga kaibigan ko.
"Bye, Yoshy! See you!" paalam ni Zajmin at hinalikan pa ako sa pisngi. Hindi ko inaasahan iyon pero ngumiti nalang din ako at nagpaalam.
"Sige bro, mauna na rin kami. Happy birthday ulit." Nag-bro hug kami at naglakad na rin sila palayo. Pati ang Prinalphaces ay nagpaalam na rin.
"Wait, where's Dane?" rinig kong tanong ni Almina.
"Siguro nauna na sa van," si Caevy.
"Mukhang alam ko na kung bakit," sabi ni Almina at humagikgik.
Tinanaw ko lang saglit ang mga sasakyan nilang palayo saka pumasok na rin ako. Tumulong muna ako sa paglilinis bago magpahinga. Haay, nakakapagod na araw pero masaya. Napangiti nalang ako sa mga nangyari.
Papasok na sana ako sa kwarto nang tinawag ako ni mama, pati si Meian ay tinawag din.
"Bakit, ma?" tanong ko. Umupo ako sa sofa katabi ni Meian.
"Alam niyo ba na may mga maliliit na camera sa kwarto ninyo?"
"Huh?!" gulantang namin. Paano nangyari—mukhang alalm ko na kung paano nailagay ang mga camera sa kwarto namin.
Bumuntong hininga si mama, "Iyon siguro ang ginawa ng taong sumugod sa inyo dito sa bahay noon, I already removed the cameras in your rooms so don't worry. Mabuti na lamang at hindi nila nalagyan ang kwarto ko, baka kung ano na ang natuklasan nila kapag ganoon."
"Mabuti na lang kung gano'n nga," sagot ni Meian.
"But I will ask you this, it's important. May ginawa ba kayong kakaiba or any things na pwede nilang makuha bilang karagdagang impormasyon tungkol sa atin?"
Nag-isip naman ako. Wala naman akong ginawa na ikakapahamak namin. Ang ginagawa ko lang naman sa kwarto ay ang magpalit, matulog, at gumawa ng homeworks. Naaalala ko rin ang pag-picture-picture ko dito para sa magiging dp ko sana sa Facebook. Sana hindi na nila iyon pansinin, wala namang katuturan eh.
Umiling ako, "Wala naman po."
"Dean?" Nakatuon na ang pansin namin ni mama ngayon kay Meian na kakamot-kamot sa pisngi. Mukhang may ginawa ang isang ito.
"Uhm, I practiced my combat skills in my room. Hehe, peace," sabi niya at nag-peace sign pa.
"Dean, I've already told you many times that you'll just practice inside the agency! Paano kung maaral nila ang moves mo and will use it against you?!" pangaral ni mama sa kapatid ko na ikinakunot ng noo ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020
