Danedria's POVHaay, sa wakas! Sabado na!
I woke up early dahil magja-jogging ako ngayon. Bakit kaya ang gandang magising ng maaga kapag walang pasok, tapos 'pag mero'n naman, nakakabagot ang bumangon.
Inilagay ko muna ang earphones sa tenga ko bago lumabas ng bahay at nagsimula nang tumakbo. Ang ganda talagang tumakbo lalo na kapag malamig ang simoy ng hangin.
Habang tumatakbo, nakangiti lang ako. Ang dami nga ring tumitingin sa akin kasi nginingitian ko yung mga nadadaanan ko. I'm feeling happy and excited today. Ang ganda ng mood ko.
I just stopped running when I saw a familiar face of a girl that I know. Nakaupo siya sa isa sa mga puno dito sa park. Woah, hindi ko namalayan na nakarating na pala ako dito.
Lumapit ako sa puno kung saan siya naroroon. Naaalala ko ring dito kami tumatambay nina Zy noong childhood days namin. May kasama rin kaming isa pa na mahilig umupo sa taas ng puno. Si Fifi, o Tera ata, o kaya Pera ang pangalan, argh basta, nakalimutan ko na.
Hindi pa man ako masyadong nakakalapit, iniangat na niya ang tingin niya mula sa librong binabasa niya. My forehead creased when she waved at me. Ang friendly naman ata ng aura niya ngayon, 'di gaya sa school.
"Hi Dane," enthusiastic niyang pangangamusta sa 'kin pero kabaliktaran naman yun sa expression ng mukha niya. "It's been a while since we saw each other in this village no?"
"Huh?" Ano daw? Nagkakilala na ba kami dito?
"Still don't remember me, huh?"
"I know you but I don't remember na nagkakilala na tayo dito," sagot ko naman habang nakatingin sa mukha niya. Nakatingala ako sa kanya mula sa taas ng puno, ang sakit na nga rin ng leeg ko eh.
She sighed, "Okay, I'll give you a hint... Kyot."
A memory suddenly struck on me pagkasabi niya ng word na 'kyot'. "By any chance, are you... Fifi?"
"Ugh." She rolled her eyes in annoyance kagaya ng kababata kong babae kapag tinatawag ko siya sa pangalan niya. Bakit siya naiinis? Mali ba ako ng hula? Hindi ba siya si Fifi na kababata ko? "You know, you keep on calling me different names when we were young that's why I'm annoyed."
Siya nga si Fifi!
"Oohh, haha. Ngayon, hindi na ako gano'n. What do you want me to call you then? You want Thigrea? Faera? Or Fifi nalang?" panloloko ko sa kanya. Nang makita ko ang naiinis niyang mukha, natawa na talaga ako. Natutuwa talaga ako sa mukha niya kapag naiinis noong bata pa kami.
"Just call me Thigrea," nakairap niyang sagot.
"Okay, Fifi." Sinamaan niya ako ng tingin, "Joke lang, 'di mabiro? Oo nga pala, fluent ka na ba ngayong mag-Tagalog?"
Nagpatulong kasi siya sa amin mag-Tagalog noon. At doon na kami nagkakilala.
"Yes."
"Sample nga?" panghahamon ko na iningusan niya lang. Aba?
"Could you please go now to were you're going? You're disturbing my rest time," sabi niya na iminuwestra pa ang kamay na parang pinapaalis na talaga ako.
"Wala ka man lang utang na loob sa pagtulong ko sa 'yo noon ah."
"Yeah, yeah, whatever. Now go, shoo, shoo."
Ayokong masira ang maganda kong mood ngayong umaga kaya umalis nalang ako. Hinayaan ko na lang din ang pakikitungo niya sa aking parang aso, nakakainis ah.
Kung ang iba eh natutuwa kapag nakita ulit nila ang friend na hindi nila nakita ng matagal, ako hindi. Tratuhin ba naman akong parang aso.
Umalis na ako at nag-jog na pauwi. Habang pinupunasan ang sarili, nadatnan ko si mom na kumakain na. Nakapang-alis ito at pupunta atang school.
![](https://img.wattpad.com/cover/93019001-288-k775772.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020