Danedria's POVAkala ko ba hindi niya ako dadalhin sa crowded na lugar? Eh bakit ngayon?! Argh! Nakakainis naman, ang init-init!
And isa pang nakadadagdag ng init eh ang paghawak niya sa kamay ko. Napapansin kong madalas niyang hinahawakan ang kamay ko, ilang beses na rin eh, hindi ko lang nabilang.
Mga galawan ng nerd na 'to ah. Porket hindi ko na siya masyadong inaaway, may pahawak-hawak ng nalalaman. Aba't hindi naman kami close.
"Wait nga, yung kamay ko. Ang higpit ng hawak mo eh." Hinila ko na mula sa kanya ang kamay ko nang medyo naluwagan niya ang pagkakahawak dito. "Aba't—"
What the! Nakawala na nga ang kamay ko sa kanya tapos hinawakan niya ulit?!
Tinignan niya lang ako saglit habang hila-hila pa rin niya ako, "'Di ba sabi ko namang nagmamadali ako? At tsaka baka mawala ka dito, sayang lang ang oras ko sa paghahanap sa 'yo."
Ang demanding naman ata ngayon ng nerd na 'to. Ako na prinsesa ng mga Swift at Wilthon eh inuutus-utusan lang ng isang nerd?!
"Kung gano'n nga, bakit mo pa ako isinama? Ang init-init oh!" Sumasabay ang init ng panahon sa init ng ulo ko eh!
"Ba-basta! Ihahatid mo pa ako pabalik sa mall eh baka siksikan na mamaya 'pag nag-commute pa ako."
Aba naman talaga 'tong lalaking ito! "At ginawa mo pa talaga akong driver ha?!"
"Siyempre. Kung hindi mo lang sana pinagtripan ang bike ko, edi sana hindi ka mapupunta dito."
"Edi ako na may kasalanan. Psh." Tumigil na ako sa pagdada at hinayaan na ang sariling magpahila sa kanya.
Nakakainis nga eh, hindi ko maialis ang tingin ko sa magkahawak naming kamay. Wala lang, feel ko lang tignan. Iba kasi ang pakiramdam kapag hawak mo ang kamay ng taong opposite ang gender sa 'yo. Parang nalalagyan ng malisya ang isip gano'n.
Hmm, ma-picturan nga. Hihi. Ang bipolar ko.
"Nandito na tayo."
At sa wakas nga ay binitawan na niya ang kamay ko. Ang tagal rin no'n ah, ramdam ko pa ang pamamasa ng kamay niya. Pasmado eh.
Pinauna niya ako at pinagbuksan pa ng pinto. Wow naman, may gentleman side din pala si nerdy.
Pinaupo niya muna ako sa isang sofa at siya naman ay nagtingin-tingin muna ng mga nakaparada na frame sa mga shelf. Nakita kong pinili na naman niya yung pang-nerdy look na salamin at ipinakita sa nagtitinda.
"Hey, nerdy," tawag ko sa kanya pero sinamaan niya ako ng tingin. Eh? Ay, oo pala, "I mean D-Denz."
Hindi na ata talaga ako masasanay na tawagin siya sa totoo niyang pangalan. Nerdy kasi ako ng nerdy eh.
"Oh?"
"Malabo ba talaga 'yang mata mo o ginagawa mo lang talagang pamporma ang salamin?" Nagtataka lang ako kasi bakit yung malaki pang glasses ang isinusuot niya sa school eh pwede naman siyang gumamit ng maliit lang. Yung totoo? Pinapanindigan niya ba talaga ang pagiging nerd dahil sa matalino siya?
"Malabo talaga ang mata ko," maikli niyang sagot.
"Eh bakit iyong malaki na naman ang pinili mo?"
Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay. Siguro nagtataka siya kung bakit ko tinatanong ang mga 'to pero sinagot pa rin naman niya. "Nasanay na kasi ako noon pa na gamitin ang malaki. Kapag magi-slide kasi sa ilong ko yung salamin, hassle kung palagi kong itinataas kaya mas maganda na ang malaki para hindi ko palaging aayusin at itataas pa ng paulit-ulit."
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020