Danedria's POV
Nauna na akong lumabas sa office ni mommy, ayaw kong naghihintay, baka mamayang alas-syete pa yun uuwi eh.
Naglalakad na ako ngayon palabas ng school, buti't hindi ako naligaw. Hindi kasi ako magaling sa directions. Madilim na at kakaunti nalang ang tao sa school. Napahinto ako nang may ma-realized ako, nako mag-isa lang pala akong naglalakad, wala akong kasama. Ayaw ko pa naman nang nagi-isa.
Tumingin ako sa pinanggalingan ko, ang layo na ng nilakad ko. Tinatamad na din akong bumalik kaya pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad palabas.
*Bling*Bling*
I'm now here, outside the school when someone texted. Kinuha ko yung phone ko at tinignan ito. Si Almina.
1 message received
From: Almina the tripper
_________________________
Trip kita kaya panoodin mo to :*
Lumalablayp na si bebe D, ajujuju
#SayawPaMore
|-----------------|
Play video » | >>> |
|-----------------|
_________________________
Ano ba 'tong trip ni Almina at ako pa ang natripan nito ngayon? I clicked the video.
Nanlaki ang mga mata ko, bakit nila ito vinideo?
Ito yung nag-aagawan kami ng phone ni nerdy. Para nga kaming nagsasayaw dito. Nakahawak ang kaliwa kong kamay sa laylayan ng damit niya habang yung isa nama'y inaabot yung phone sa likod niya. Siya nama'y nakahawak sa kanang balikat ko at pinipigalan akong makuha yung phone niya.
Kaya pala hindi nila ako tinulungan, vini-video na pala kami. Nakakainis talaga 'tong si Almina, lagot siya sa 'kin bu—
"Kyaaaahhh!"
Napasigaw ako nang may humawak sa bewang ko at hinila ako palikod. Sisigaw na sana ulit ako nang parang prinoprotektahan ako ng taong nasa harapan ko. Wait, what's happening?
Sisilip na sana ako sa harapan pero ang bilis ng pangyayari, may narinig nalang akong bakal na tumalsik at mamang nakaitim na natumba sa sahig. Hindi ko man lang nakita ang pangyayari. Sino ba 'tong nasa harapan ko?
Hinila ko ang braso niya paharap sa 'kin, wow, in fairness ang tigas ah. Pero nadismaya ako nang si nerdy ang nasa harapan ko, akala ko gwapo 'di naman pala. Ang gwapo pa naman ng likod niya.
"Hey!" I snapped my fingers infront of his face. Nakatulala lang siya, nakatingin siya sa 'kin pero tagos naman kung makatingin.
My eyes widened when I saw the man in black standing behind nerdy. Wawarningan ko na sana siya pero parang wala sa sarili lang niyang siniko sa mukha ang mama at sinipa sa tiyan kaya napatumba ulit ito. Wow, ang galing naman pala ng nerd na 'to. Cool. Dapat siguro ihinto ko na rin yung pangbu-bully ko sa kanya para hindi ako matulad sa mama.
"Tawagin mo yung guard, bilis."
"What? Mag-isa ko lang tatawag sa kanya?!" I exclaimed. I don't want to be alone anymore, baka maulit yung nangyari kanina kahit na hindi ko naman talaga alam ang nangyari.
"Ako yung tatawag at ikaw ang maiiwan at magbabantay sa kanya o ikaw ang tatawag—"
"Fine, ako na ang tatawag. Psh."
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020
