Chapter 25

21 0 0
                                    


Maiosh Denz's POV

Inihatid ko lang si Danedria at bumalik na ako ulit sa mall. Doon pala ang bahay nila, sa isang pangmayaman talagang village.

Pamilyar nga eh, napakapamilyar.

Nailigaw ko naman kanina ang mga sumusunod sa 'min kaya hindi na ako maga-alala pa kay Danedria. Pero sa kasamaang palad, napansin ko na naman ang iba na naga-abang sa mall.

Mabuti na lamang at wala naman silang ginawang hindi maganda. Ramdam ko lang na minamanmanan nila ang bawat kilos na ginagawa ko. Nakakalungkot lang dahil para akong nakakulong sa isang hawla, hindi ko man lang magawa ang mga gusto ko ng walang tumitingin sa akin.

Haay. Nahiga na ako sa kama ko at pinakiramdaman ang napakakomportableng pakiramdam na ibinibigay nito. Sana ganito nalang palagi, yung komportable ka lang at walang mga problema ang bigla-bigla na lamang sumusulpot sa harapan mo.

Itinaas ko ang kamay ko at tinitigan ito. Binukas-sara ito na parang may inaabot na bagay. Hindi ko alam, pero parang may hinahanap-hanap ito.

Ibinaba ko na ang kamay ko at pumikit na. Sana naman ay maliwanagan na ako sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid ko.

*****

I'm in an event right now here in our village. I'm just sitting at the corner because I have nothing much to do here. Hindi ko gusto ang pumunta rito but my mom forced me to.

Iniwan ako ng mga magulang ko at ng kapatid ko para lamang makipagkuwentuhan sa mga magiging kapitbahay namin. I don't want to mingle with others so I just stayed here, alone.

We are new here, kalilipat lang namin no'ng nakaraang linggo. Nanggaling kasi kami sa America at doon na rin lumaki but we know how to speak Tagalog dahil na rin sa dito nanggaling ang mga magulang namin. And now, we're staying here for good.

Grrrrr.

Argh. I think I'm hungry. Tumayo muna ako at pumunta sa table kung nasaan ang mga nakahilerang pagkain. I just picked spaghetti and orange juice then walked towards the chair I'm sitting a while ago.

Habang naglalakad, may naramdaman akong kakaiba pero hindi ko ito pinansin at sa spaghetti lang ako nakatingin. Hindi ko napansin, napatid na pala ako sa isang bagay at nadapa. And the worse thing is, nasubsob ang mukha ko sa spaghetti na kinuha ko. And suddenly, may narinig nalang akong nagtatawanan sa likod ko.

"HAHAHA!"

I looked at the girl who laughed louder than her companions. I think she's the one who tripped me.

Tumingin ako sa paligid, walang nakapansin sa'min dahil na rin siguro sa nasa corner kami at medyo maingay.

I stood up and face them kahit na may dumi ang mukha ko, but, they just laughed louder at my misery. Ano ba ang problema nila?!

Lumapit ako sa kanila, "What is your problem?! Why did you do that?!"

Ngumisi silang lahat, the one who I thought did this to me spoke, "For fun."

Lumapit siya sa 'kin at itutulak sana ako but I stepped aside that made her fall. I just stared blankly at her and walked towards the bathroom.

"Dane!"

"Dane, are you okay?"

"Hey you! You freak! Come back here!"

Hah! Serves her right.

I should not let my guard down anymore. Even kids at the same age as mine could do something dangerous. I should be very careful now.

Hinugasan ko na ang sarili and hindi na tinangka pang kumuha ng pagkain kahit na nagi-ingay na ang tiyan ko sa gutom.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon