Chapter 21

34 0 0
                                    


Maiosh Denz's POV

"Ano'ng nangyari dito? Nag-sparring ba kayong dalawa?"

"No ma, may sumugod lang sa 'min kanina," sagot ni Meian na parang wala lang ang nangyari sa amin kanina saka niya inagaw ang hawak kong ice pack.

Dahil sa narinig, sumeryoso ang mukha ni mama. Mukhang alam niya kung ano ang nangyayari. Ito na siguro ang tamang oras para magtanong.

"Ma, ano po bang dahilan kung bakit may mga taong sumusugod sa amin ng biglaan?"

Tinignan ako ni mama ng seryoso. Ngayon lang niya ako tinignan ng ganito sa ilang taon naming magkasama.

"It's not yet the right time to tell you everything, Denz. Sasabihin din namin ang lahat-lahat soon. Sana maintindihan mo."

Kumunot ang noo ko at hindi ko mapigilang mainis, "Paano ko naman maiintindihan kung wala naman akong ka-alam-alam sa mga nangyayari?!"

"Denz," tawag ni mama sa mababang tono, binabalaan ako. "I told you, sasabihin din namin sa 'yo."

"Kailan pa?!"

Huminga siya ng malalim, pinapakalma ang sarili, "Kapag nakalipat na ulit tayo sa village na pinagtirhan natin noon."

"Really?!" biglaang untad ni Meian na mukhang excited pero napangiwi at hinawakan ang pasa. "Mabuti naman, miss na miss ko na rin yung maganda kong kwarto."

"Isa pa 'yang village na iyan eh, hindi niyo pa sinasabi sa akin. Afford ba nating tumira doon?" tanong ko. Wala nga kaming panggastos dito sa simpleng bahay na ito, sa malaking bahay pa kaya?

Ngumiti si mama, "We lived there before, hindi mo lang talaga maalala. Tsaka huwag kang atat anak, sasabihin din namin sa iyo lahat."

Bumusangot ako, "Bakit hindi ko maalala? Ano bang nangyari sa akin?"

Lumungkot ang mukha ni mama, "Naaksidente ka noon at na-amnesia. Alam namin na may progress na sa isip mo ngayon kaya hintayin mo nalang na maka-alala ka."

Aksidente? Paano?

"Oo nga kuya, maaalala mo rin. Good thing nga 'yon para hindi na kami mag-explain pa masyado," sabi niya tapos tumawa lang siya ng mag-isa. "Ma gutom na ako, asan pagkain?"

"Ah, oo nga pala. Kain na tayo."

Pumunta na kaming kusina at kumain. Nakasanayan na naming hindi na magluto pa ng panggabi dahil bumibili na si mama sa labas ng pagkain.

Hindi muna siguro ako magtatanong. Hihintayin ko nalang na bumalik ang alaala ko at hihintayin ko rin na bumalik kami sa village na sinasabi ni mama.

Pero bakit pa niya hihintayin na sa village niya pa sabihin sa akin lahat, bakit kasi hindi nalang ngayon? Tinatamad siguro si mama.

Pagkatapos naming kumain, hinugasan na ni Meian ang mga pinagkainan dahil siya ang nakatoka ngayon. Ako naman ay nahiga na at itinulog nalang ang lahat ng tanong na gusto ko sanang tanungin.

*********

"How dare you na lumapit sa Prinalphacess at sa mga Royalties! You're just a nerd! Eww."

Kumunot ang noo ko sa kaharap kong mga nasa lower years. Wala man lang silang galang at parang nandidiri rin sila sa akin na parang hindi naman ako tao sa paningin nila.

"Lilinawin ko lang ah, hindi ako ang lumapit sa kanila. Tinawag lang ako ng Prinalphacess at ang Royalties naman ang lumapit sa akin."

"Don't expect us to believe you. Mukha mo palang, hindi na kapani-paniwala."

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon