Chapter 41

16 0 0
                                    


Maiosh Denz's POV

"Sasabihin ko na ang lahat ng nalalaman ko para maintindihan mo kung bakit kita gustong protektahan," mariin kong wika habang nakatingin ng diretso sa kanya.

Ito na ang naging desisyon ko pagkatapos kong mag-isip-isip kung paano ko ba masosolusyonan ang problema kong ito.

Ngayong Sabado ng hapon nga ay inanyayahan ko siya dito sa ice cream parlor para makipag-usap. Dito ko naisipang makipagkita para naman malamigan kaagad ang ulo niya kapag may sinabi akong hindi maganda sa pandinig niya.

"Sabihin mo na dahil kanina pa ako bagot na bagot, mauubos ko na 'tong ice cream ko pero hindi ka pa rin nagsasalita diyan," sabi niya at nag-scoop ng ice cream niyang strawberry flavor.

Huminga ako ng malalim, medyo hindi pa ako sigurado sa magiging reaksyon niya kaya medyo nakakaramdam ako ng kaunting kaba.

Tumingin ulit ako sa kanya pero nababagot lang ito habang kumakain.

"M-May tinatakbuhan kasi kaming tao, hindi lang tao kundi buong organisasyon. May alitan sila noon ng pamilya ko na hindi pa rin natatapos hanggang ngayon. Iyong mga taong nakikita mo na bigla-bigla na lang kung sumugod ay ang mga tauhan nila. Dalawang beses mo na silang nakita, maging sila ay napansin din siguro iyon kaya gusto kong makasigurado na wala silang gagawin sa 'yo."

Pagkatapos no'n ay nagtanong pa siya ng ilan, sinagot ko ang mga ito ng hindi masyadong detalyado, hindi ko na sinabi kung sino ang nasa likod ng mga kaguluhang ito.

"Hindi mo ba naisip na sa ginagawa mong paglapit masyado sa akin ay mas mahahalata nilang isa akong importanteng tao sa inyo or sa iyo mismo? Na 'yon ang magiging way para mas lalo nilang maisip na gawin akong pain or hostage mula sa inyo?"

Natahimik ako sa tanong niya, posible nga iyon pero hindi pa rin talaga ako mapalagay.

"Oo nga, pero hindi naman ako pwedeng lumayo dahil alam mo namang kaibigan kita."

"Yes, friend," pagdidiin nito sa salitang iyon. "So, know your limits Denz. Hindi yung umaakto ka nalang bigla sa akin na para na kitang boyfriend. We're friends, and that's it!" naiinis nitong turan at humalukipkip.

Napatikom ulit ako sa sinabi niya, alam ko naman kung ano talaga kami, pero para rin naman sa kanya 'tong mga ginagawa ko.

"Alam ko, pero bakit hindi nalang natin totohanin?"

"W-Wait, what?! Are you serious?! I can't and will not do that!" bulalas nito nang nanlalaki ang mga mata.

"Kung tototohanin man natin, hindi na ako mahihirapan pang protektahan ka kahit na kung nasaan ka man. At hindi na rin ako mahihirapan pang sabihin sa iba kung bakit ba ganito ang iniaakto ko patungo sa 'yo."

Tumayo siya na ikinabigla ko at kinalampag ang mesa, inis siyang tumingin sa akin. Napansin ko rin ang pagbaling ng tingin ng ibang customers sa direksiyon namin.

"Nahihibang ka na ba?! You know, kahit naman na hindi tayo mag-on ay mapoprotektahan mo pa rin naman ako. You can protect me but not to the point na ipagtatanggol mo pa ako pati sa langgam na kaya ko namang pitikin, know your place Denz! Think! Nasaan na ang common sense mo?!"

Tumiim ang bagang niya bago niya dali-daling kinuha ang bag niya at agarang umalis. Hindi ko na siya napigilan pa dahil nakalayo na ito kaagad.

Napabuntong hininga ako. Ano nang gagawin ko ngayon? Iyon nalang ang naisip kong paraan pero mas lumayo na siya sa akin, paano ko na siya mapoprotektahan nito?

At dahil sa mga sinabi niyang iyon, mukhang kailangan ko na namang isipin ang mga kailangan at nararapat kong gawin. Nadagdagan na naman tuloy ang mga isipin ko dahil alam kong galit na ngayon si Dane sa akin.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon