Danedria's POVNakakainis talaga si kuya, hindi man lang niya sinabi kung kailan darating sina nerdy. Kaya ayun, pinagsasasapak ko.
"D, bakit ba kanina ka pa nakasimangot diyan?" Almina asked.
Bumusangot ako lalo dahil naaalala ko naman 'yong kahapon, "Wala, I was just annoyed to kuya kasi palagi niya akong inaasar."
"But Dandrei had also his sweet side, right? That's so dreamy kaya, waaah!"
"Aray!" Pinaghahampas ba naman ako ng gaga dahil kinikilig siya kay kuya. "Yes, but minsan lang naman 'yon lumalabas sa kanya, yung pagiging isip-bata niya talaga ang dominant trait na nasa kanya. Hmp!"
"Don't be like that nga, ang ganda kayang magkaroon ng kapatid."
"Yeah right, kung alam mo lang talaga." Wala kasing kapatid 'tong si Almina kaya 'di niya feel ang pagkamiserable ko.
"Here comes cutie, bakit habang patagal ng patagal, kumu-cute siya ano?" tanong nito sa 'kin at nginisian pa ako na parang nang-aasar. Tumingin nalang din ako kay nerdy na papalapit sa kinauupuan namin.
Habang tinitignan ko siya nang matagal, nakikita ko na ang resemblance nila ni Zy. Ayaw ko mang tanggapin na siya talaga iyon ay wala naman nang magbabago. Siya talaga si Zy na kababata ko. Pero hindi ko maikakailang marami ang nagbago sa kanya. Ano kaya ang nangyari?
"Gaga, matunaw 'yan sa kakatitig mo. Tumayo ka na at paupuin mo na siya," tulak ni A sa 'kin.
Hindi ko sinunod ang gusto niya, ang ginawa ko, ako mismo ang umusog palapit kay Almina.
Tumingala ako kay nerdy na nasa tapat na namin, "Dito ka na umupo." Umupo naman na siya sa dati kong upuan.
"Hey! I want to sit beside him, too! May ichichika ako sa kanya!" naka-duck face nitong sabi at kinurot-kurot ako sa tagiliran.
"Edi ichika mo lang." Inirapan ko siya at gumanti rin ng kurot sa kanya. Aba hindi naman ako magpapatalo ano.
"Why? Nagseselos ka ano?" sabi niya't ngumisi.
"What?! No!" Kailangan ko ata ng duct tape dahil nakakainis ang bunganga ng babaeng ito.
"Cutie, may chika ako sa 'yo!" sigaw niya at itinapat pa talaga sa tenga ko. Ang sakit sa tenga! Mukhang sinasadya niya itong gawin para makipagpalit ulit ako ng upuan kay nerdy.
"Ano 'yon?" sagot naman nitong isa at humarap sa amin. Nagtagpo ang mga mata namin pero naiilang akong umiwas. Nao-awkward pa rin kasi ako sa nalaman.
Pero calm yourself Dane, bumalik ka nalang sa pakikitungo mo sa kanya na parang bratinella. In that case, hindi ka na maiilang kapag malapit siya. Okay. I heaved a deep breath at nakinig na sa pag-uusap nila.
"May fb ka na pala at ig, nag-friend request ako sa 'yo, 'di mo man lang in-accept," naka-duck face na naman nitong sabi.
What?! Kumunot ang noo ko sa narinig. May fb at ig siya? Mag-friend request din kaya ako sa kanya? No, no, and no! Ano ba 'tong pumapasok sa isip ko?!
"Hindi pa kasi ako nag-oonline sa ngayon," napapakamot nitong sagot.
"And nakita ko ring next week na pala ang birthday mo. Ano, may handaan ba? Invited kami ah?"
Birthday? Oo nga pala. How could I forget that? Sa September 10 na iyon. Ano'ng klase ba naman akong childhood friend.
"Hindi ko alam, pero sasabihin ko sa inyo kapag mero'n."
"Okay! Asahan mo kami diyan ah, 'di ba Dane?" siko niya sa 'kin kaya tumango nalang ako.
Why can't I even have the guts to talk to him just like Almina? Ang hirap naman ng sitwasyon ko. Nao-awkward pa rin ako dahil sa mga kahihiyang pinaggagagawa ko sa kanya noon. I feel like ibang tao siya ngayon sa noon. Haay.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020