Chapter 4

76 5 0
                                    


Maiosh's POV

Nandito na ako sa bahay, sa mismong kwarto ko habang nakahiga. Parang pagod na pagod ako pero halos nasa room lang naman ako maghapon. Ang sakit ng likod ko, kaliwang braso, pati na rin yung kanang tuhod ko.

First day na first day ay ganito agad ang naranasan ko dahil lang sa isang tao, paano pa kaya kung marami na sila? Baka mamatay na ako niyan, sigurado akong sa kanya sila papanig. Alam niyo na, maganda siya at marami siyang 'connections'.

*Flashback*

Pabalik na ako sa building dahil nag-bell na. Iniwan ko na doon si Danedria kasi hindi ko na kaya pang magtagal doon, kinakabahan ako kapag malapit sa akin ang presensya niya. Nilalakasan ko lang ang loob ko kapag nagsasalita ako.

"Aray!" Mahinang pagdaing ko at hinawakan ang likod ko. Tumingin ako sa likuran ko para makita kung sinong nagbato sa 'kin. Nakita ko si Danedria na mabilis na naglalakad patungo sa direksyon ko. Naramdaman kong maliit lang yung bato pero malakas yung impact ng pagkakabato niya, ramdam ko ring matulis yung bato.

"Humanda ka sa 'king nerd ka! Sa susunod, tignan mo kung sino'ng binabangga mo!" Ano naman kayang ginawa ko sa kanya at parang naiinis siya sa akin?

Tumakbo na ako ng mabilis dahil malapit na siya at ayoko ring ma-late sa first day ko. Nakarating na ako sa fifth floor, tagaktak na yung pawis ko at medyo pagod na rin.

Pumasok na ako sa room at buti nalang wala pa yung teacher namin. Nandito na rin lahat ng classmates ko. Umupo na ako sa upuan ko at biglang may naalala.

Oo nga pala, seatmate ko siya!

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya umubob nalang ako. Tumahimik naman lahat kaya sigurado akong nandito na ang susunod na teacher namin. Pero nagkamali ata ako dahil umingay na naman sila pero medyo humina na 'di gaya nang kanina. Nagbubulungan sila na maganda pa rin daw si Danedria kahit na basa siya ng pawis at medyo magulo ang buhok.

Maganda nga, ang taray naman.

Pero teka nga...

Biglang nanlaki ang mata ko nang mapadako ang tingin ko sa bukana ng pintuan. Nakatayo siya doon habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin kaya pinagbulungan din nila ako.

"Parang galit si Danedria."

"Kay nerd siya nakatingin kaya baka siya ang dahilan."

"Ano naman kaya ang ginawa niya?"

Madami pa silang sinasabi pero di ko nalang pinansin, pati yung tawag nila sa 'kin dahil palapit na siya. Nakakatakot pala siya kung magalit, pero hindi ko naman alam kung ano ang dahilan niya.

Napalunok nalang ako nang umupo na siya sa tabi ko. Nakita ko namang kapapasok lang rin ng teacher namin kaya nakahinga na ako ng maluwag. Tumayo naman kami para bumati. As usual parang bata pa rin.

"Good morning Si-aaaahh!" Habang bumabati, napahiyaw ako kasi kinurot ako ni Danedria sa braso, hinimas-himas ko naman ito para maibsan ang sakit kahit papaano. Napatingin naman ako sa kanya at masama pa rin ang tingin niya sa'kin na parang sinasabing 'Hindi pa tayo tapos, kaya humanda ka sa'kin!' kaya tumingin ulit ako sa harapan ngunit nakatingin ang lahat sa akin, pati na si Sir.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon