Dandrei's POVYey! May POV na rin sa wakas ang gwapong kuya ni Danedria na si ako. Ilang chapters na rin akong naghintay na mabigyan ng POV 'no. Ang tagal na.
Alam niyo ba kung nasaan ako ngayon? Siyempre hindi. Pero huwag na kayong magtampo, sasabihin ko rin naman sa inyo eh.
Nandito lang naman ako sa labas ng kwarto ni baby sis, hawak ang isang tabo. Kanina pa tumilaok ang manok pero hindi pa rin nagigising yung babaeng iyon. Pero joke lang sa part ng manok, wala naman talaga kaming manok dito eh. Meron akong nakitang manok kanina pero nasa baba, naging fried chicken na. Tawa kayo bilis. Parang ganito oh, nyehehe.
*Knock*Knock*Knock*
Kinatok ko yung dingding—este yung pinto ng tatlong beses. Inilapit ko yung tenga ko sa pinto, wala akong naririnig na ingay. Siguro tulog pa rin yun. Hindi ba siya nag-alarm?
"Tok-tok-tok sabi ng manok~" nilagyan ko pa ng tono yan ah. "Gumising ka na, Danedria~"
Kumatok ulit ako pero wala pa rin. Binuksan ko na dahil hindi naman naka-lock. 'Tong kapatid ko talaga hindi marunong mag-lock, paano nalang kung may pumasok na magnanakaw dito edi nakuha na lahat ng gamit niya.
Pumasok na ako sa color pink nitong kwarto, naabutan ko siyang nakahiga ng pa-horizontal sa kama niya. Yung mga paa niya naman, nakalaylay na pababa. Nando'n na rin siya sa paanan ng kama. Ang gulo talaga nitong matulog. Kung saan saang parte napupunta, minsan nga nahuhulog pa yan eh.
"Tsk, tsk, tsk," napailing-iling nalang ako.
Pumunta akong banyo niya, color pink din ang tiles nito. Adik na adik talaga sa color pink 'tong si Dane, 'di ko nga alam kung pa'no niya nagustuhan 'to eh ang sakit sakit sa mata. Lahat na ata ng gamit niya pink eh.
Nilagyan ko ng tubig yung kanina ko pang hawak na tabo. Wala kasing tabo si Dane dito sa CR niya, hindi naman kasi siya gumagamit nito.
Lumabas ako hawak hawak pa rin ang tabo. May ideya na siguro kayo kung anong gagawin ko dito 'no. Hehehe.
Lumapit ako sa side ng kama kung nasaan ang ulo niya. Nakanganga ang bunganga niya na parang hinihintay talaga ang pagbuhos ko ng tubig sa mukha niya.
Ngumisi ako, biglang ibinuhos sa mukha niya ang tubig. Napabangon siya agad at sumigaw.
"What the fuck!"
Yung ngisi ko kanina, bigla nalang nawala nang marinig ko siyang magmura.
"What the heck, Kuya?! Ang sakit ng ilong ko, nalagyan ng tubig pati na rin yung mata ko, ang hapdi!"
Tinignan ko siya ng seryoso, "Hindi ka pa kasi nagigising kaya binuhusan nalang kita. Male-late na tayo!"
"Tapos ikaw pa ngayon ang may karapatang mainis? Did you already forgot that you were the one who poured water to my face Kuya?"
Ang dami na talagang nagbago sa kanya mula no'ng bumalik siya. Nawawalan na rin siya ng respeto sa 'kin. Sinisigawan na nga rin niya ako ngayon eh.
"Hindi naman ako naiinis sa bagay na 'yon sis eh."
"Eh saan?"
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020