Dandrei's POV
Bahay. School. Company. 'Yan ang naging daily routine ko araw-araw. Nakakapagod pero worth it naman.
Mabuti na lang talaga at tinulungan kami ng tatay ni Denz na si Tito Denvis. Kung wala sila, baka kung ano na ang nangyari sa kompanyang itinaguyod ni Dad.
Kahit na malaki ang naging kasalanan niya sa amin, gusto ko pa ring alagaan ang mga pinaghirapan niya. Ito na lang din kasi ang naiwan niyang pagmamay-ari na sa kanya talaga.
"Hi, Dandrei!"
Tumango lang ako at ngumiti ng tipid sa mga babaeng bumati sa 'kin. Sanay na ako sa mga kagaya nilang nagpapapansin, mga walang magawa. Kahit kailan talaga ay hindi sila maka-move sa kagwapuhan ko.
Nilagpasan ko nalang sila at tumungo na sa kwarto na pinagawa ko para sa sarili dito sa may faculty room. Kukunin ko na ang mga gamit ko doon at ibibigay na ang kwarto kay Dane dahil hindi na ako masyadong mamamalagi dito sa campus. Busy eh. Hindi tuloy ako masyadong makakapag-enjoy. Haay.
Pero alam kong hindi lang ako ang walang oras sa pagsasaya, pati si Xander na best friend ko ay kaparehas ko ng sitwasyon. Pero mas mahirap ang sa kanya dahil sa dakila niyang tatay.
Nang makarating ako sa destinasyon ay nagtaka ako kung bakit nakasiwang ang pinto nito. May tao ba? Ako lang ang pwedeng makapasok dahil ako lang ang may susi dito.
Dahan-dahan akong pumasok para hindi mahalata ng taong 'yon ang presensiya ko. Tinignan ko ang buong paligid. Wala dito sa sala.
Tinignan ko rin ang ibang parte ng kwarto pero wala. Pumunta na ako sa banyo, kusina, tsaka sa study room ay wala pa rin.
Umupo na lang ako sa sofa na katapat ng TV. Napalunok ako. Sino kaya ang nagbukas ng pinto? Baka may nagpa-prank sa 'kin o kaya may isang obsess na babae na naghahanap ng pagkakataon para masolo ako. Brrr. Nakakatakot.
Hahayaan ko na sana ang nangyari pero kumunot ang noo ko nang may mapansin. Napangisi ako pero hindi na muna ako nagpahalata. Akala mo matatakasan mo ako ah.
Nang makita na ang tamang pagkakataon ay lumingon ako sa likod at tinalunan ang taong iyon.
"Waaahhh!"
"Huli ka!" Kinuha ko ang mga kamay niya at inilagay sa kanyang likod. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya para hindi siya makatakas.
"P-Paano mo ako nakita?"
Ngumisi ako at iniharap siya sa TV. Doon, nakita niya ang repleksyon naming dalawa. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung paano ko siya nahuli.
"Sino ka? Bakit ka nandito at paano ka nakapasok?" tanong ko, nakaharap pa rin sa TV para tignan ang kanyang ekspresyon.
"M-Makikibanyo lang sana," nauutal niyang sabi. Halatang nagsisinungaling.
"Ah-huh?" Patago kong kinuha ang phone ko at kinuhanan siya ng litrato. Ngumiti ako sa camera dahil nakikita ako, dapat gwapo pa rin ako kahit papaano. Hindi niya napansin ang ginawa ko dahil nakaiwas siya ng tingin. "Paano ka naman nakapasok? Alam mo bang ako lang ang may access dito? Pwede kitang samapahan ng kaso sa pagte-trespass mo, Miss."
Hindi ko inasahan ang ginawa niya. Hinila niya nang malakas ang kamay at siniko ako sa tyan. Nang mabitawan ko siya ay agad-agad siyang tumakbo.
Anak ng, naisahan ako no'n ah. Umupo ako hawak-hawak ang nasaktang parte. Ang sakit. Mala-amazona. Sino ba 'yon?
Tinignan ko ang kinuhanan kong litrato. Hmm. May itsura, morena, at matangkad dahil nasa kilay ko na siya. Civilian din ang suot niya, siguro ay college na ito dahil kami lang naman ang hindi naka-uniform kapag Friday.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Novela JuvenilMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020
