Chapter 37

19 0 0
                                    


Maiosh Denz's POV

"Nakakapanibago ka talaga, kuya," nakahalukipkip na pahayag ni Meian sa tabi ko.

Nakasakay kasi kami ngayon ng taxi dahil medyo may kalayuan ang school sa village. Kapag nag-bike naman kami ay baka mahuli pa kami sa klase.

Nanghihinayang din ako sa mahal ng pamasahe, nasanay pa naman ako na nagtitipid. Hindi ko kayang gumastos ng malaking halaga pero ngayon ay hindi na daw namin kailangang pigilan ang sarili sa pagbili ng mga gusto namin.

Mayaman naman daw kami sabi ng tatay kong parang walang pakialam sa pera. Si mama pa ang sinisi niya dahil sinanay niya kami ng ganito, na tinitipid kami. Ang kulit lang eh.

"Kanina mo pa 'yan sinasabi, ilang ulit na," sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Nakakawiling pagmasdan ang mga puno dito.

"Eh sa hindi lang talaga ako sanay."

"Masanay ka na." Ang ingay talaga ng kapatid ko, kahit ang maliit na detalye ay napupuna nito.

Bumaba na kami nang tumigil na ang taxi sa harapan ng eskwelahan. Nakisabay ang kapatid ko sa akin na maglakad para daw makita ng iba na proud siyang naging kapatid niya ako. Tsk. Napailing nalang ako sa mga naiisip niya.

Habang naglalakad, maraming napapatingin at nagbubulungan sa tabi-tabi. Sabi ko na nga ba't mangyayari ito eh.

"Ang gwapo naman ng kasama ni Princess Meian."

"Sino kaya siya, ano?"

"Bakit hindi siya naisali sa Royalties?"

Napaismid naman ang kapatid ko dahil sa naririnig. Tumigil din siya bigla. Hindi ko alam ang pakay ng kapatid ko kaya nang akmang lalayo na ako ay hinila ako nito pabalik.

"Ano ba Meian, mahuhuli na tayo sa klase," bulong ko sa kanya na hindi niya pinansin.

"Makinig kayo!" sigaw niya bigla na nagpatigil sa mga bulung-bulongan. Nakatingin na sa amin ang karamihan at nag-abang sa sasabihin ng kapatid ko. Isinama pa talaga ako sa kung ano man ang gagawin nito. "Siya lang naman ang kapatid kong nerd na nilalait-lait niyo dati. Si Maiosh Denz Danger na ngayong gwapo na, saka niyo lang hinangaan. Seriously? Magaling siya sa ilang bagay, pero ngayong nakaporma na siya, saka niyo lang siya napansin. Mga plastik!"

Nanlaki ang mga mata ko sa lahat ng sinabi ni Meian. Na-appreciate ko naman ang mga ito pero baka siya pa ang mapahamak dahil doon, na ayaw ko namang mangyari. Nakita ko rin ang pagkagulat sa lahat ng mga naririto ngayon. Marami ang hindi makapaniwala.

Pinahinahon ko muna ang sarili bago magsalita, "Pasensya na sa sinabi ng kapatid ko, 'wag niyo nang dibdibin. Excuse lang."

Hinila ko na ang kapatid ko malayo sa kumpulan. Inihatid ko siya sa building nila habang sinesermonan.

"Hindi mo na sana iyon ginawa, Meian. Baka ikaw pa 'yong pagsalitaan nila ng hindi maganda."

Napanguso ito, "I just said the truth, kuya. Naiinis lang talaga ako sa kanila."

Napabuntong hininga ako, "Oo, na-appreciate ko 'yon, pero ang kaligtasan mo pa rin ang priority ko."

"Nag-aalala din naman ako sa 'yo, Maiosh."

Pinitik ko ang noo niya sa pagtawag ng pangalan ko. Wala na naman 'yong kuya.

"Mauna na ako," sabi ko nang marating ang building nila. Malapit lang naman ang building namin sa kanila kaya nakarating din ako kaagad.

Maraming napapatingin sa 'kin dahil sa nangyari siguro kanina pero hindi ko nalang pinansin.

"Uy, pogs!" Pinigilan ko naman ang inis dahil sa narinig ko. Umakbay din ito pero tinanggal ko naman kaagad.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon