Danedria's POVHanggang ngayon, napapaisip pa rin ako sa mga sinabi ni kuya. Marami na ba talagang nagbago sa 'kin? Kasi hindi ko pansin, parang natural lang yung ugali ko ngayon eh. Pero try ko nalang ibalik yung dating sarili ko, para kay kuya.
Nagulantang nga ako nang ipinaalala niya yung kababata ko dati. Nakalimutan kong Denz pala ang pangalan ni Zy. Hindi ko nga alam kung siya ba yung waiter na nakita namin sa Salty's Sweets eh. Ang gwapo tapos medyo hawig niya rin, pero bakit siya nagtatrabaho doon, naghihirap na ba sila? Tatanungin ko nalang siguro sa kanya sa susunod.
"Hey!" tulak sa 'kin ni Almina. "In deep thought? Share share din 'pag may time."
"I have no time sharing it."
"Wow, taray ni ate girl. Mero'n ka?" tanong ni Bleindy kaya binatukan ko.
"Wala!"
"Eh bakit mas mataray ka ngayon kaysa kay C?"
"May iniisip kasi ako pero bigla niyo akong ginulo."
"Huwag kang mandamay uy, si A kaya ang tumulak sa 'yo," turo ni Bleindy kay Almina kaya sinamaan siya nito ng tingin.
"Kung hindi mo sana ginatungan, hindi sana iinit ang ulo ni D." Napailing nalang ako sa dalawa. Si Caevy naman, tahimik lang na nanonood sa amin.
Nauna na sina Caevy at Bleindy, sa 4th floor kasi yung room nila. Pagkapasok namin sa room, as usual marami na namang bumati sa 'min kaya ngumingiti nalang ako ng pilit.
"Good morning, sweetheart." Narinig kong bati nung playboy at inakbayan si Almina. Hindi ko pa rin alam yung pangalan niya, hindi naman siya worth alalahanin eh.
"Good morning din sweety," bati naman nitong si Almina at hinalikan sa pisngi yung playboy. Tsk, ang landi. Ang moto kasi niyan ay 'Go with the flow lang basta't masaya.' Ibang klase talaga. Naglakad nalang ako patungo sa upuan ko nang may biglang umakbay sa 'kin.
"Good morning din sa 'yo my bebeloves, akala mo nakalimutan na kita 'no? Of course not." Argh. Nakakaasar, ako naman ngayon ang pagti-tripan niya ah.
Tinulak ko siya palayo, "Huwag ka ngang lumalapit sa 'kin, ayokong may dumidikit sa 'king kagaya mo."
"Wow ha, choosy ka pa. Ako na ngang gwapo ang lumalapit sa 'yo eh."
Hindi ko na pinansin yung sinabi nung playboy, pumunta nalang ako sa upuan ko at umupo. Nakakainis talaga, ang hangin. Hindi naman masyadong kagwapuhan.
At mas naasar pa ako dahil nakita ko na naman yung mukha ng pangit na nerd. Naalala ko na naman yung kagabi, nung nakausap ko si mommy. Siya may kasalanan ng lahat kaya nawala 'yong kotse ko, hmp. Kung kurutin ko kaya ulit siya, wala namang makakakita no'n 'di ba?
Kinurot ko braso niya, hindi nag-react. Kinurot ko ulit, wala pa rin. Pinisil ko ng mas madiin... aba, ang tibay. Hindi pa rin nag-react, hindi man lang niya ako pinigilan. Ang pula na rin ng braso niya.
Tumingala ako, tinignan ko ang mukha niya. Blanko lang siyang nakatitig sa board, diretso lang ang tingin nito. Anyare?
"Hoy!" sigaw ko sa tenga niya, hindi man lang nagulat. Kinaway-kaway ko yung kamay ko sa harap niya, hindi man lang kumurap. Seriously? Estatwa lang ang peg?
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Fiksi RemajaMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020