Chapter 34

20 0 0
                                    


Danedria's POV

Agad-agad akong bumalik sa classroom pagkatapos ng nakita ko. Humahangos akong umupo sa upuan ko pero hindi ko ipinahalata kay Almina na naglalaro ng kung ano man sa phone niya.

Ang aggressive naman pala ng Denz na 'yon? May girlfriend na pala, hindi kasi halata eh. Iyon yung babaeng nakita namin sa birthday niya. Kaya pala siya nito hinalikan sa pisngi noon, nobya niya pala ang babaeng iyon.

And now, I don't know what they were doing nang makita ko sila sa likod ng building. Bumili lang ako ng maiinom sa canteen kanina pero biglang may tumulak sa loob ko na puntahan ang kinaroroonan nila. Sana hindi ko nalang sinunod 'yong feeling na 'yon para hindi ko na rin makita ang bagay na 'yon.

"Ouch, bakit ba?!"

Saan naman kaya nakabingwit 'yon? To think na nerd lang siya sa school na 'to, I doubt that he can have a girlfriend.

"O-ouch, bitawan mo nga ako Dane! Kanina mo pa ako kinukurot pero hinahayaan ko lang ah, pero habang tumatagal, sumasakit na."

Sa pag-iisip ko, hindi ko namalayang pinanggigigilan ko na ang braso ni Almina.

"Oh? Sorry Almina, may iniisip lang."

Tinaasan niya ako ng kilay pagkasabi ko no'n. I sighed and just shrugged my thoughts away. I have nothing to with him anyway, he's just my mere childhood friend and that's it!

___________________________________________________

Maiosh Denz's POV

"Yo-Yoshy, ba-bakit?" naiilang na tanong niya sa 'kin. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin tinatanggal ang maskara niya. Nagmamatigas pa rin ito.

"Sino ka ba talaga?!" nanlilisik ang matang tanong ko sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo?!" Pumalag siya pero hindi ko siya hinayaan. Hindi ko hahayaang makawala ulit siya kagaya noong inilagay niya ang camera sa loob ng bahay namin.

"Alam kong ikaw 'yong pumasok sa bahay namin," mariin kong sabi sa mukha niya. Natigilan siya at tumitig sa mga mata ko.

"Hindi kita maintindihan."

"Alam kong ikaw 'yon kaya wala ka nang kawala ngayon. Anong kailangan mo sa amin?"

Kahit anong pilit niyang pagsisinungaling, buo na ang isip ko na siya talaga 'yon.

"Paano mo ba nasasabi 'yan ha?! For crying out loud, kaibigan mo ako!" singhal niya sa akin.

"Iyong mata mong abo, 'yong pabango mo, ang hubog ng katawan, at ang pagiging Reiter mo. Sa tingin mo hindi ko malalaman? Napansin ko 'yan noong pinasok mo ang bahay namin. Nakabalandara na sa harapan mo ang ebidensya Zajmin, itatanggi mo pa ba? Pati na rin ang paghatid mo sa akin noon, ipinagtaka ko kung bakit mo alam ang eksaktong lakasyon nito, 'yon pala ay dahil sa pagmamanman ninyo."

Malumanay lamang ang pananalita ko, hindi ko inilabas ang nagpupuyos na galit na nakalukob sa kalamnan ko. Pinipigilan ko lang ang sariling pagbuhatan siya ng kamay. Kaya hangga't sa maaari, kailangan ay kalmado lang ako kahit na ginamit ako ng isa sa naging malapit kong kaibigan.

Nag-iba bigla ang tingin niya, mula sa kaawa-awang ekspresyon, napunta ito sa pagiging malamig. Mukhang alam na niyang hindi na siya makakaligtas pa kaya bumuntong hininga siya at sumeryoso na. Wala na ang bakas ng takot sa kanyang mukha, natanggal na rin sa wakas ang kanyang maskara.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon