Danedria's POVPagkatapos ng gabing iyon, mas naging close kami ni Denz. Nagsilbi siyang boy bestfriend ko. Palagi nga kaming nagkukulitan eh.
"Iba na ata 'yan ah, may endearment pa eh," tukso pa ni Almina sa amin noong nakaraan pero hindi ko nalang iyon pinansin.
Simula noon, Ny na ang itinatawag niya sa akin. Pinipilit nga rin niyang Zy na rin ang itawag ko sa kanya pero ayoko. Nakakailang. Ang kulit-kulit na rin niya. Dati, ako lang ang nangungulit sa kanya, ngayon ay siya naman. Bumaliktad na ata ang mundo.
Ini-tour ko na rin siya sa village namin para maging pamilyar na siya ng tuluyan doon. Pinilit ko nga rin siyang mag-picture kami eh, mabuti at napilit ko naman. Hihi, ang saya lang.
Ngayon nga ay hinihintay ko ang nerd na 'yon sa pagkuha ng pagkain namin. Hindi pa rin niya kasi iniibahan ang getup niya kaya paminsan-minsan, tinatawag ko pa rin siyang nerdy.
Wala sina Almina ngayon dahil sa hindi ko malamang dahilan. Hayaan na nga 'yong mga 'yon. Nang-iiwan bigla.
Kinuha ko yung phone ni Denz sa mesa. Wow ah, wala man lang password, paano kaya kung may magbukas nito na kung sino-sino lang? Hindi man lang niya i-secure ang mga gamit, at iniwan pa talaga niya ito dito sa mesa.
Hmm, matignan nga. Wala man lang ka-games-games, puro files lang ang mero'n na tungkol sa mga lessons. Tignan ko nga ang gallery niya kung nag-se-selfie rin ba ang isang yun.
Pagtingin ko, oh my gosh! Halos manlaki ang mga mata ko at mamula ang mukha sa mga pictures na nakikita ko ngayon. Seryoso? Ano 'tong mga 'to? Siya ba talaga ito?!
Pati noong in-add niya ako sa Facebook, nakita ko ang profile niyang may kagwapuhan naman.
Ang unang-una ko namang picture na nakita sa phone niya ay 'yong wala siyang damit tapos ay kinukuhanan ang sarili sa banyo na halatang katatapos lang maligo. Basa pa ang buhok niya tsaka naka-poker face sa litrato. Why? Bakit ang hot at ang gwapo naman sa paningin ko nitong nerd na 'to?!
Pinaypayan ko ang sarili sa init. Whooh!
Tinignan ko pa ang mga iba pa niyang photos. Kakaunti lang ang mga nandito pero iba't ibang pose naman at iba't ibang style ang ginagawa niya. Ang pogi naman niya dito sa pictures, pero sa personal, hindi masyadong halata.
Nakita ko pa yung mga videos ko nung mga oras na sinusundan niya ako. Nagmumukha tuloy siyang stalker dahil dito, hindi pa lang niya i-delete eh.
Inilabas ko 'yong phone ko at binuksan ang Share It. Ipinasa ko sa phone ko yung ibang pictures niya na nagustuhan ko lalong-lalo na ang picture na una kong nakita. Hehe. Hindi ko alam pero nasisiraan na ata ako ng ulo. Haay, ano ba 'tong ginagawa ko?!
Namataan kong papalapit na siya sa table namin kaya agad kong itinago ang phone ko at nagkunwaring nagpi-picture-picture gamit ang phone niya.
Inilapag niya lang 'yong order namin tsaka umupo na siya sa tabi ko.
"H-hoy Denz, tingin ka dito, picture tayo." Itinapat ko yung camera sa 'min at ni-click ang button. "Wait, ipasa ko lang sa phone ko."
May picture niya pa kasi akong gustong kunin kaya pasimple naman akong kumuha ng litrato ko para ipasa sa phone ko. Hehe, ang brilliant ko talaga.
"Huh? Ako na." Bigla niyang kinuha yung phone niya pero pilit ko ring inaagaw.
"Ako na!" May picture mo pa akong gustong kunin eh.
"Oh, ayan, naipasa ko na." Lumagapak naman ako sa upuan ko at ngumuso. Wala na, wala na yung pinaplano ko. Ang ganda pa naman ng anggulo ng picture niyang 'yon. Sayang.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020