A/N: Chapter 26 na pero ang bagal ng flow ng story. Hindi ko namalayan. Medyo bilisan natin ngayon. Sowee, hehehez.Danedria's POV
Ngayon ay pinag-usapan naming Prinalphacess na sabay-sabay pumasok kaya't hinihintay ko ngayon ang tatlo sa harap ng gate ng school. Ang babagal naman ng mga lukaret na iyon! Kanina pa ako naghihintay dito.
"Hi Dane! Good morning!" bati nila pagkarating ng tatlo.
"Bakit ba ang bagal ninyo?"
"Wow Dane ah, coming from you? First time mo lang kayang nauna sa amin," sagot ni Bleindy at binelatan ako.
Hindi ko naman napigilan ang kamay na hilahin ang ilang strand ng buhok niya, "Oo na, putulin ko 'yang dila mo diyan eh."
"Ang sakit ah, pikon ka talaga kahit kailan."
"Oops, tama na 'yan girls. Let's go na, baka mahuli pa tayo sa class," sabi ni Almina kaya sumunod na kami sa kanya. "D, ipakilala mo naman kami sometime sa papabell mo ano."
"Oo nga naman, you're keeping us in the dark na," pahabol naman ni Bleindy.
Tumingin naman ako kay Caevy kung may sasabihin din siya pero tinaasan niya muna ako ng kilay bago sumagot, "Yeah, ako rin, I want to meet him too."
I rolled my eyes, kahit na tahi-tahimik yang si Caevy, may halo ring kalandian ang katawan niyan, ayaw lang ipakita. "Nakilala niyo na nga siya eh."
"No, I mean in personal. Gusto naming ipakilala mo kami sa kanya."
Gusto ko sanang sabihin na kilala na nila, but nah. "Bahala kayo, kayo nalang mismo ang magpakilala sa sarili ninyo. Wala na akong koneksyon sa kanya, my business with him has been done. Just tell him na kilala ko kayo if magpapakilala man kayo sa kanya."
"You're mean talaga Daney, hindi mo man lang kami samahan," pagtatampo effect pa ni Bleindy kaya mas nauna na akong maglakad kaysa sa kanila.
"Baka gusto niyang solohin kaya pabayaan niyo na." The hell?! Sa bunganga pa mismo ng maalamat na si Caevy ko pa talaga narinig ang mga katagang iyon ah. Napailing nalang ako sa kadramahan ng mga kaibigan ko.
Umupo agad ako at humalukipkip pagkapasok ko palang ng room. Parang napagod ako sa stress na ibinigay ng mga kaibigan ko kanina. Pinaparinggan ba naman ako hanggang sa maghiwa-hiwalay na kami. Nakakainis!
Napadako naman ang mga mata ko sa taong pinagu-usapan namin kanina. Tinaasan ko siya ng kilay sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
"What? Bakit ganyan ka kung makatingin? Alam ko namang gandang-ganda ka sa akin eh," I said kahit na naiilang na ako. Kahit sino namang tao na tititigan ng harap-harapan eh maiilang talaga.
Umiling-iling siya at tinuktukan ang ulo, "Hindi siya 'yon."
My forehead creased, anong hindi ako 'yon? Nababaliw na ata 'to. Kita ko naman sa itsura niya na bumalik ulit siya sa nerdy get-up niya. Mula sa gwapo, bumalik ulit siya sa pagiging cute—I mean, nerd. Aish.
Sa pagdaan ng oras, recess na agad. Palagi nang isinasama ni Almina si nerdy tuwing break at lunch hanggang sa nakasanayan na rin namin. Parang invisible din naman siya dahil hindi naman siya palaging nakikipag-usap, sumasama lang ata siya para bantayan ako gaya ng iniutos ni mommy. Sa nagdaang mga araw, pansin ko ngang panay ang titig niya sa akin eh. Yung totoo? Wala naman na akong ginagawang kalokohan ah, nafi-feel ko na ngang hindi na ako free para magawa ang mga gusto ko eh.
Lahat sila ay Denz na ang itinatawag sa kanya pero ako, naka-stick pa rin sa pagtawag ng nerdy kahit na pinagsabihan na ako ng nerd na 'to na tawagin ko siya sa pangalan niya. Hmp, bahala siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/93019001-288-k775772.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Fiksi RemajaMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020