Chapter 5

46 5 0
                                    


Chapter Five-Arrival

"Danedria's POV

Miyerkules na ngayon, hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw ng Sabado. Naririndi ako sa mga plastik na sumusunod sa akin na tinatanong pa kung pwede daw ba nila akong maging kaibigan. As if naman na magiging kaibigan ko sila, mga fame whore sila. Hmp.

Ngayong araw ang official day ng klase. Ngayong araw na magsisimulang mag-lesson ang mga teachers. Ayoko sa lahat ang nagle-lesson, ang boring at ang dami ring ipinapagawa. Nakakatamad lang.

"Good morning class! Today is the official day of classes, I'll be your teacher in English subject." Kakapasok palang ni Miss Jedy, yan agad ang bungad niya at umupo sa kanyang upuan. "Now, you're just going to write what will I present on the screen. I will discuss it next meeting." Mabuti naman at hindi muna magdi-discuss, dahil wala ako sa mood makinig.

FYI, nakikinig din naman ako paminsan minsan 'no.

Binuksan na ni Miss ang kanyang laptop at ikinonekta sa tv sa harapan. Makabagong gamit ang mga ginagamit dito sa school namin at minsan nalang ginagamit ang board.

"Oh, before I forgot. You're having a new classmate. They were three girls actually, but the other two will go to the other sections. They are late enrollees from London."

Nung sinabi ni Miss na galing sa London yung mga transferees, na-curious ako kung sino ang mga yun. Tatlo rin kasi ang naging kaibigan ko sa London, sana sila yung mga nag-transfer.

"Bring out your notes and copy the presentation. I will be back later. I'll just accompany your new classmate from the principal's office."

Lumabas na si Miss at nagsimula na ring magbulungan ang mga classmates ko.

"Maganda sana pre."

"Sana hindi siya bitch."

"Sana katulad siya ni Danedria."

What the! Napataas ang kilay ko sa nagsalita, pero hindi ko nalang pinansin dahil baka masira pa yung image ko.

Duh, I'm unique. Wala kaya akong katulad. Tsk.

Binuksan ko na ang bag ko, kinuha ang notebook ko na manipis at ballpen. Maninipis lang ang mga pinabili ko para magaan lang. Every quarter, bibili ulit ako ng bago kasi alam ko namang mauubos lahat ito.

As if namang ang dami kong sinusulat.

Ay, kaunti lang pala ang mga sinusulat ko. Mga keywords, ganun lang. Pero okay lang naman kung bibili ulit ako, gastos kung gastos, marami naman kaming pera. Hohoho.

Sinimulan ko nang magsulat, mga limang words lang every slides ang sinusulat ko. Nakakatamad kasi eh, binabagalan ko na rin para makita nilang may ginagawa pa rin ako.

"Okay class, kasama ko na ngayon ang bago ninyong classmate." Hindi ko namalayang nandito na pala si Miss, busy kasi ako sa pagsusulat. Hehehe.

"Miss Hendson, please come in and introduce yourself in front." Pagkarinig ko ng apelyido ay hindi ko maalis ang paningin ko sa pintuan, pati na rin yung iba.

Ang tagal naman ata niyang pumasok, pa-suspense. Dalawang minuto na ang nakalilipas nang tinawag siya ah. Excited pa naman ako kasi pamilyar sa akin yung lastname ng transferee.

"Miss Hendson, come in. Don't be shy." Ay, nakaka-disappoint naman. Mahiyain daw yung transferee, eh yung kaibigan kong Hendson din ang apelyido ay hindi nahihiya o walang hiya.

Pagkaraan ng ilan pang minuto ay lumabas si Miss, para sunduin ata yung transferee. Ang tagal kasi niya, nagsimula na ring magbulungan yung iba.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon