Chapter 2

140 5 0
                                    


Daneria's POV

"Welcome back to Philippines Danedria," bagot na bulong ko sa sarili habang pababa ng eroplano. The truth is, mas gusto kong mag-stay sa London kaysa dito sa Philippines.

I stayed there for almost five years. Pinauwi lang ako ng parents ko because hindi nila namo-monitor kung anong mga bagay-sabihin nalang nating hindi kaaya-ayang bagay ang pinaggagagawa ko sa London.

I left my bestfriends in London na may lahi ring Filipino. Ang totoo niyan, marami na akong nagawang kalokohan kaya hindi na nakapagtimpi ang parents ko at pinabalik agad ako dito. Inihiwalay nila ako sa mga friends ko, sila siguro ang nakikita nilang dahilan kaya nakakagawa ako ng kalokohan. But that's really the truth, sila talaga ang dahilan. Buti nalang talaga hindi kilala ng family ko ang mga bestfriends ko.

Our family driver approached me, get my baggage and accompanied me to our car. Pumasok na ako at tumingin nalang sa labas habang umaandar ang sasakyan.

I don't know when I started to do some trippings, siguro nung nakilala ko ang mga friends ko sa London. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin ngayong nahiwalay na ako sa kanila. Nasanay na kasi akong kasama sila.

Baka ako ang matipuhang gawan nila ng kalokohan, pero hindi naman yata nila gagawin yun. If they will do some trippings to me, ako na mismo ang magpapatalsik sa kanila sa eskwelahan dahil kami ang nagmamay-ari ng school na papasukan ko. Ang Swift Academy.

Hindi kalaunan ay nakarating na kami sa mansion namin. The driver parked the car and opened it kaya lumabas na ako.

Walang pinagbago ang mansion, maganda pa rin at mas naging makulay dahil sa mga halaman na nakatanim sa iba't-ibang parte ng mansion.

Matagal na akong hindi nakakauwi dito. Grandparents ko lang sa father's side ang kasama ko sa London na nagbantay sa akin for almost five years na pananatili roon.

When I was eleven years old, naisipin ng parents namin na magbakasyon sa London. Nagustuhan ko ang pananatili namin doon and ayaw ko nang umuwi kaya napagpasyahan nilang doon nalang kami mag-aral, pero ayaw ni kuya kaya ako lang ang naiwan sa grandparents namin.

The driver brought my things and accompanied me to the door. I opened the door and went inside habang ipinapagpag ko ang sandals ko sa floor mat.

"WELCOME HOME DANEDRIA!!!"

I was shocked because I didn't expect na ganito ang madadatnan ko dito. May party poppers, madaming pagkain, magagandang decorations, tarpaulins, at ang mga kamag-anak naming matagal ko nang hindi nakikita.

Ngumiti ako sa kanilang lahat at nagpasalamat sa kanila sa pagsalubong sa 'kin. Niyakap ako nina mommy, daddy, at iba pa naming kamag-anak na ikinagalak ang pagbabalik ko. Kahit disappointed ang parents ko sa mga kalokohan ko, hindi nila maitatago na na-miss nila ako.

"I miss you so much baby. Kahit madami kang kalokohan ay madami pa ring naka-miss sa iyo," ani mommy na muli akong niyakap. See? Parang nakalimutan nga nila kung bakit ako umuwi dito.

"I miss you too mommy." At saka humiwalay sa yakap niya at tumingin kay daddy. "I miss you daddy," masayang bati ko at muling niyakap ito. Kapag naglambing ako sa kanila, hindi na nila ako pinapagalitan. Meron naman akong naalala kaya tinanong ko na.

"Mom, where is kuya Dan?" tanong ko at tumingin sa paligid.

"Pababa na siguro yun, just wait for him. Doon muna kami ng daddy mo sa kusina ha?" Mommy said so I just nodded my head then they went to the kitchen.

Chasing Him (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon