Maiosh's POVHindi ko alam kung paano ko nagagawa ang mga bagay na hindi ko naman karaniwang ginagawa. Ang bilis ng reflexes ko at ang talas ng pakiramdam ko.
Pinauna ko na ang mag-inang Wilthon dahil may nararamdaman akong kakaiba. Marami. Maraming nakatingin sa direksiyon ko. Nagtatago lang sila sa kung saan.
"Aaahh!"
Sinuntok ko ang mukha ng lalaking aatake sana sa likod ko. Muntik na siyang matumba pero nakabalanse pa rin siya. May dumaloy na pulang likido sa bibig nito, pinunasan niya ito at tumingin sa 'kin ng masama.
"Humanda ka!"
Umatake na naman siya pero nailagan ko ito at sinuntok siya sa mukha na ikinatumba nito.
"Argh!"
Pagtingin ko sa paligid, ang dami nilang nakapalibot sa 'kin. Mga nasa sampu ang mga narito. Inatake nila ako ng sabay-sabay, napapatumba ko ang ilan pero tumatayo pa rin sila. Nasuntok ako sa mukha at muntik na akong matumba pero pinipilit ko pa rin ang sarili kong lumaban. Hindi ko alam kung anong kailangan nila sa 'kin, kung bakit inatake nalang nila ako bigla.
Kahit na naiilagan ko ang ilang mga atake, natatamaan pa rin ako dahil sa dami nilang lumalaban sa 'kin. Ang sakit na ng katawan ko, marami na rin akong galos at pasa, medyo nanghihina na rin ako. Malalim na rin ang paghinga ko dahil sa pagod. Nasuntok na naman ang mukha ko, ang lakas, sa lakas nito'y tumalsik na yung salamin ko.
"Dane, bumalik ka dito!"
Nagulat ako nang may biglang sumulpot, hindi ko alam kung babae ba ito o lalaki. Naka-jacket siya na may hoodie at naka-jogging pants, natatakpan din ng mask ang ilong at bibig nito. Nilabanan niya ang mga lalaki, mabibilis ang mga kilos niya at walang mintis ang mga tira nito.
Sa pagkamangha ko sa taong tumulong sa 'kin, hindi ko napansin na may tao na pala sa likuran ko.
"At your back!" sigaw niya. Nagulat ako, babae pala siya.
Tumingin ako sa likuran ko, may lalaking akmang papaluin na sana ako ng kahoy nang bigla siyang natumba. Tinulak siya ni Danedria kaya siya natumba.
"S-salamat," utal ko.
Ngumisi siya, "Ang galing ko talaga."
"Bumalik ka na doon, delikado dito."
"Eh pa'no ka?"
"Tutulungan ko pa siya eh," turo ko sa tumulong sa akin na babae pala.
"Okay, baka mabangasan pa dito ang kagandahan ko eh." Tumakbo na siya palayo dito.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020