Danedria's POV"Dane! Pakibilisan naman! Ikaw nalang ang hinihintay oh!"
"Heto na! Nandyan na nga oh!"
I hastily walked down the stairs and went out. Sinamaan ko pa ng tingin si Kuya nang madaanan ko siya. Porket siya na ang magda-drive ng SUV eh minamadali niya na ako.
Padabog akong sumakay sa sasakyan at nagulat pa ako sa mga taong bumungad sa 'kin sa loob.
"HI DANE!" Sabay-sabay nilang sigaw na nagpasira sa eardrums ko. Nakakabingi, knowing na kubong pa naman ang sasakyan. Aish.
"Musta? Mukhang ang haba ng tulog natin ah."
Inirapan ko si Bleindy na nagkataong katabi ko ngayon. Siguradong mag-iingay 'to buong biyahe at hindi ako hahayaang makatulog.
Inilibot ko ang paningin sa loob ng sasakyan. Nandito na nga ang lahat, ako nalang talaga ang hinihintay kanina.
Denz was on the shotgun seat, holding his phone. And dalas niya nang hawakan ang phone niya magmula nang matapos ang exam. Gusto ko nga sanang malaman kung ano ang pinagkakaabalahan niya doon pero ayaw niya namang ipakita sa akin. Napakamasikreto, akala mo hindi ako kaibigan.
Friend. My chest thumped when I thought of that word. Parang ang sakit pagdugtungin ang mga pangalan namin gamit ang salitang 'kaibigan'.
Oh my! Wake up, Dane! Kung ano-ano na naman ang lumilipad sa isipan mo.
Nagulat pa ako nang bigla siyang lumingon sa pwesto ko. Agad-agad ko namang inilipat ang tingin ko kay Bleindy para hindi niya mahalatang nakatitig ako sa kanya kanina.
Ito namang lokang katabi ko ay naglalaro ng racing sa cellphone habang nakalabas ang dila. Sa kabila niya naman ay si Caevy na nakapikit at naka-earphones.
Tumingin naman ako sa likuran kung nasaan si Xander na pinaggigitnahan nina Almina at ni Eera girl. Wait, bakit kasama namin ang bruhang 'to?!
Tinaasan pa niya ako ng kilay at ngumisi sa akin. Walangyang gaga, inirapan ko nga.
"Why are you here?" mataray na tanong ko at tinaasan siya ng kilay.
Humalukipkip siya at dumekwatro, "Pake mo ba?"
"Ah, sinama ko siya dito dahil wala siyang kasama," sabat ni Xander.
What? Hindi ba kayang mag-isa ng babaeng 'to?
"Yeah right, dahil wala akong kasama. Fuck off, Xander! Hindi ko kailangan ng bantay! At kung pwede lang, huwag niyo na akong isama rito!"
"Huwag ka nang magmatigas Eera! Baka kung ano na naman ang abutin mo kay Dad! Sumunod ka nalang pwede?!"
"Psh! Bitawan mo ako!"
Mukhang may problema ang magkapatid na ito. Pati nga si Almina na katabi nila ay hindi nakapag-salita sa away ng dalawa.
Ngayon ko lang din nakita si Xander na ganito. Yung gusto niyang sumigaw pero pinipigilan niya lang dahil alam niyang may ibang tao ang nakakakita sa kanila.
Kumunot ang noo ko nang may mapansin. May pasa si Eera girl sa gilid ng labi at parang may bukol pa siya sa gilid ng kaliwang kilay.
Magtatanong pa sana ako pero naudlot iyon nang dumating na si Kuya.
"Okay, let's go!" Pumasok si Kuya sa sasakyan at umupo sa driver's seat. He started the engine and off we go.
Ang dahilan ng paglabas namin ngayon ay dahil sa nag-improve ang grades ko ngayong second quarter. Remeber my Mom's promise? Sabi niya na tutuparin niya ang lahat ng hiling ko, and here it was. An outing for the whole gang, exept Eera girl of course, pero pagbibigyan ko nalang kahit ngayon lang.
BINABASA MO ANG
Chasing Him (Completed)
Teen FictionMahirap takasan ang reyalidad. Kahit na anong gawin mo, hahabul-habulin ka nito. _______________________________________________________________________ Date started: December 27, 2017 Date finished: April 26, 2020